= CHAPTER 52 =

19 2 0
                                    

3 YEARS LATER.....

STEPHENE GRACE POV

It's been three years since natapos yung issue nila kuya Chase at Ate Shane and so far okay naman silang dalawa... si kuya Chase nasa mental na nabaliw ata pero joke lang yun na kay daddylo siya nagsstay ngayon kinuha siya para hindi siya makulit tapos si Ate Shane naman nasa Pinas inaasikaso yung cosmetic business niya binabantayan pa din naman ako ni ate Shane kasi bumabawi yun sakin kaya lahat ng gusto ko nasusunod... at si Ate Sam ?... Ayun hindi ko alam after kasi magkagulo at magkaayos nila ate Shane at kuya Chase nag disappear na din si ate Sam kasama si kuya... Austin ko. Hmmm kahit sino samin walang nakakaalam kung nasaan yung dalawa kung may awards nga lang sa hide and seek for sure hakot awards yung dalawang yun eh. Kung itatanong niyo naman mga kuya kong gwapo... hmm ayun nasa mental na di pero joke lang ulit may kanya kanya silang business sa buhay pero syempre ako pinaka top business nila, dahil nga andito ako sa Seoul papalit palit sila ng bantay sakin dito dahil maganda ko sila nag aadjust. At ako ? Ito lagi pa din nakasunod at nakabantay kay Jk my loves *giggles* ko halos dito na ako tumira sa bighit dahil araw araw ako andito tumatambay after ko sa school at kung itatanong niyo naman kung nahuhuli ako dahil bawal pumasok hindi employee dito... syempre oo hinuhuli ako ng mga guards dito pero lagi ako tumatakbo sa practice room ng bangtan kaya hindi ako napapalabas *tawa* so ayun nga andito ako sa cafe nagsasawa na kasi ako sa mga mukha ng bangtan kaya umakyat muna ako dito para hanapin ang aking peace of mind. May mga artists na padaan daan lang sa harap ko pero deadma ako bakit ba maganda ako kaya may karapatan akong mangdeadma *flip hair at tawa* Charizzz syempre binabati ko sila minsan nakikipaglaro na lang din ako sa kanila pag hindi sila busy nag eenjoy din naman sila sa pagkatao ko kaya okay lang. Nakatingin lang ako sa TXT habang nagpapractice ng dance challenge ng may dumating na asungot na gwapo at ginulat ako.

BULAGAAAAA ! ~ Sigaw niya sa gilid ko

Ay rabbit na malaking ngipin ~ Nasabi ko na lang yun sa gulat

Hindi malaki ngipin ko ~ Sagot naman ni Jk

Bakit ka ba nanggugulat kasi ? ~ Tanong ko pabalik

Ang seryoso mo kasing nakatulala dyan ? ~ Sagot niya ulit sakin

Nanunuod kasi ako dance challenge ~ Sagot ko at tingin ulit sa TXT

May crush ka dyan no ? ~ Tanong niya

Oo si Yeonjun oppa ~ Sagot ko ng mabilis

Walang sumagot sakin kaya napatingin ako sa kanya at ang asungot na rabbit ang sama ng tingin sakin *tawa*

Oh bakit ganyan mukha mo ? ~ Tanong ko sa kanya ng natatawa

Sinong may sabing pwede ka mag crush ng iba ? ~ Tanong niya na nakakunot noo

Me, myself and I ~ Confident na sagot ko

That's against the law ~ Sagot niya sakin

Kelan pa naging against the law ang magka crush sa iba Mr. Jeon Jungkook ? ~ Tanong ko pabalik sa kanya habang naka crossarms

Ngayon lang sa law ko, republic act. 01 Ang gwapo at sexy ni Jeon Jungkook constitutions and law na sinasabi dun na bawal magka crush sa iba si Stephene Grace Lim ~ Sagot niya kaya natawa na ako ng sobra

Para kang baliw *tawa* Bakit ka ba andito kasi ? Diba may practice ka ? ~ Tanong ko habang tumatawa

Kakain na kasi kaya hinahanap kita break namin tapos makikita kita dito na nahuhumaling sa iba ~ Taas kilay niyang sabi eh

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Eyes TellWhere stories live. Discover now