= CHAPTER 51 =

11 2 0
                                    

3 MONTHS LATER.....

JHERZY SHANE POV •

3 months na din walang malay si Chase ang sabi ng doctor baka daw epekto yun ng mga gamot sa kanya, sa loob ng ilang araw hindi talaga ako umalis sa tabi ni Chase kahit sinasabihan na ako ng mga pinsan niya at nila mommy na magpahinga hindi ko talaga siya iniwanan. Sa ilang araw ko dito sa hospital hindi ko man lang nakita sila Steph at ate Sam pati si Kuya Austin wala usually sila yung mauuna mag asikaso kay Chase pero hindi pa din sila dumadating, nakatingin lang ako kay Chase habang pinupunasan yung mukha niya... may bandage pa din siya sa ulo kasi yung ulo niya talaga yung pinaka natamaan eh. Nung nalaman ko na buntis ako sobrang natakot ako dahil hindi ko alam kung paano ko kakayanin to mag isa lalo na at ganito yung sitwasyon ni Chase ngayon... ni hindi ko nga alam kung kanino ako kakapit para kumuha ng lakas ng loob para ituloy to, hindi pa din kasi alam ng parents namin ni Chase yung about sa bata nakiusap kasi ako sa mga pinsan ni Chase na wag muna sabihin kahit kanino kahit kay Ate Sam ayoko din ipaalam... hindi sa natatakot ako harapin siya kundi natatakot ako makita yung disappointment niya sakin at lalo ayokong makita yung disappoint ng pamilya ko sakin. Tahimik lang ako sa tabi ni Chase ng biglang lumapit sakin si Kuya Jayden.

Shane kailangan mo magpahinga makakasama sayo yung pagod at stress dito ~ Sabi niya sakin

No kuya... i'm ok po ~ Sagot ko na lang

Oo nga Ate Shane makakasama sayo at sa baby mo na andito ka, marami naman kaming nagbabantay kay kuya Chase eh ~ Sabi ni Calvin din

Hindi ako aalis sa tabi ni Chase kuya dito lang ako hanggang sa magising siya ~ Sagot ko sa kanila 

Shane hinid natin alam kung kelan magigising si Chase and ikaw kailangan mo pag pahinga hindi ka na lang mag isa ngayon dalawa na kayong dapat alagaan kaya sana makinig ka na lang samin muna, mag uupdate naman ako sayo pag nagising or may pagbabago kay Chase eh ~ Paliwanag ni kuya Jeff sakin andito na din pala silang lahat 

Wala na akong nagawa kundi sumunod kasi papagalitan lang nila ako ganyan ang routines nilang lahat tatambay sila dito sa hospital pag hindi sila busy para bantayan si Chase, ayoko talaga umalis at umuwi pero kasi naisip ko na tama sila lalo na lumalaki na yung tyan ko... parang kelan lang nung malaman kong buntis ako pero ngayon malaki na siya hindi ko talaga alam kung paano ko nakayanan na alagaan tong baby namin sa loob ng ilang buwan na wala si Chase, inaalagaan naman ako ng mga Lims sila nagpoprovide ng mga needs ko at ni baby and yung doctor ko naman sobrang alaga din kasi binigay talaga yun ni kuya Jeff para tutukan ako. Dahil nga wala din naman ako nagawa sa mga sinasabi nila naisip ko na lang magpa check up muna bago ako umuwi ngayon kasi malalaman yung gender ni baby kaya excited ako pero syempre may halong lungkot kasi hindi ko nga kasama si Chase sa araw na malalaman na yung gender ni baby...

Calvin... pwede mo ba ako samahan sa OB ko ? Ngayon na kasi malalaman yung gender ni baby eh ~ Tanong ko sa kanya

Wowwww ! Talaga ate Shane ? Sige sama akoooo ~ Excited niyang sagot sakin

Oo eh 6 months na kasi si baby kaya pwede na malaman yung gender niya ~ Nakasmile kong sagot sa kanya

Whaaaaa. Sana boy din para tuturuan ko siya sumayaw at kumanta ~ Sabi niya sabay tawa kaya natawa na lang din ako

Hoy ! Wag mo nga idamay sa kabaklaan mo si baby if lalake man siya ~ Asar ni Xian sa kanya

Hoy ka din ! Hindi naman kabaklaan yung magka-talent palibhasa kasi wala kang talent panget ka pa ~ Sagot naman ni Calvin magsisimula nanaman sila 

Anong panget pinagsasabi mo ? Hoy ! Sa gwapo kong ito wala kang karapatan kahit tingnan man lang ako ~ Sagot naman sa kanya ni Xian

Talagang hinid kita titingnan kasi mabubulag ako sa kapangitan mo ~ Asar din ni Calvin pabalik

Your Eyes TellWhere stories live. Discover now