= CHAPTER 50 =

12 2 0
                                    

JHERZY SHANE POV

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi habang umiiyak hindi ko din alam kung anong naging end ng pag uusap namin ni Chase pero alam kong hindi maganda, nagising ako na walang Chase sa tabi ko kaya agad akong bumangon at hinanap siya pero wala siya sa paligid kaya nag try akong pumunta sa main villa para magtanong kung nakita ba nila si Chase pero ang sabi lang maaga daw umalis dahil may aasikasuhin na importante kaya tumambay na lang ako tapos nagpahanda ng pagkain ko. Habang naghihintay ako naiisip ko nanaman yung mga pinag-usapan namin ni Chase kagabi hindi ko alam kung totoo yun or pinaprank nanaman niya ako haysss... mahilig kasi siyang mang prank na iuuwi niya na daw ako sa Seoul tapos biglang babawiin din at tatawa na lang kaya nagagalit ako sa kanya lagi kasi akala niya nakakatuwa yung mga ginagawa niya, tumingin ako sa may dagat at napansin ko na iba ata yung mood ngayon ewan pero feeling ko may hindi magandang mangyayari sa araw na to pero hindi ko na pinansin yun at kumain na lang ako pagkadating ng food ko. After ko kumain nag muni-muni lang muna ako nakatingin lang talaga ako sa view at iniisip pa din yung mga sinabi ni Chase kagabi, sa tootoo lang ayoko na isipin yun eh pero hindi talaga mawala sa isip ko kung seryoso ba talaga si Chase sa mga binibitawan niyang salita kagabi... sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na may nagsasalita na pala sa tabi ko kaya napatingala ako at nakita ko nga si Chase na nakatayo sa harap ko at nasisinagan ng araw yung mukha niya kaya hindi ko makita.

Chase ! Saan ka galing ? ~ Tanong ko agad sa kanya

May inayos lang, magbihis ka na at darating na yung magsusundo satin ~ Sagot niya sakin medyo kinakabahan na ako pero hindi ko pinapahalata

Hmmm... Why ? Saan tayo pupunta ? Are we dating somewhere ? ~ Tanong ko ulit 

No... Shane... ihahatid na kita sa Seoul... mag prepare ka na kasi baka maya-maya lang andito na yung sundo natin ~ Sabi niya sakin

H-ha ? Diba nagbibiro ka lang naman nun ? D-diba galit ka lang kaya mo nasabi yun ? ~ Kinakabahang sagot ko sa kanya

No Shane... this time hindi na pranks dahil kailangan na kita ihatid talaga pauwi, our time ends here ~ Pagkasabi niya nung huling words bigla siyang yumuko 

Hindi mo na ako mahal ? ~ Tanong ko sa kanya ng diretcho

Mahal kita Shane... pero tama na ~ Sagot niya sakin kaya bumagsak na yung luha ko

Chase ! Bakit mo nagagawa sakin to ? Akala ko ba ok tayong dalawa ? Akala ko best buddy tayo kaya kailangan kasama kita lagi, ano bang problema Chase ? Ayaw mo ba ng inaaway kita ? Oh sige hindi na, iiwasan ko ng awayin ka magbabago ako para sayo... wag naman ganito oh ~ Sabi ko sa kanya 

Shane hindi na to tama eh, bakit hindi na lang natin tapusin ? ~ Tanong niya at tingin sakin

Tapusin ? Ganun lang kadali sayong tapusin lahat Chase ? After ng mga nangyari satin ganun-ganun na lang ba yun ? Sinecure mo ako eh... pinaasa mo ako na kahit anong mangyari andyan ka lang sa tabi ko, na kahit sobrang gulo na ng lahat hindi ka mawawala at kahit sobrang mali na ng lahat basta pag kasama kita tama lahat ~ Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya at umiiyak

May tama ba sa nangyari Shane? Bakit hindi na lang natin aminin na pinagbigyan lang natin yung mga sarili natin at darating talaga sa point na mawawala din lahat... na kailangan mong bumalik kung saan ka talaga dapat, bakit hindi na lang natin tanggapin na hiram lang tong panahon at oras na to... na darating din yung araw na kailangan nating bitawan yung isa't isa ~ Sagot niya sakin kaya nasampal ko na siya 

Mahal mo ba talaga ako or isa lang to sa mga trip mo ? ~ Tanong ko sa kanya

Shane ! Wag na natin pahirapan yung mga sarili natin please ~ Sagot niya sakin

Your Eyes TellWhere stories live. Discover now