"Huwag ngayon, Andro, marami akong iniisip," mahina kong sambit habang umiiling.
Pagod ang buong kaluluwa at isip ko, kung sasabayan niya ng pamimilit sa lintek na Bleanriths na 'yan ay talagang masisigawan at makakaltok ko siya sa bunbunan niya.
"I'm not here for that."
"Bakit ka nandito kung gano'n?"
Hindi ba ito ang perfect timing para pilitin ako sa Bleanriths dahil sobrang nangangailangan ako ngayon? Hindi ba niya ako o-offer-an ng deal ulit? Noong mansyon, sasakyan at pagkain?
Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay ni Andro na animo'y isang babaeng nagtataray. "You should stop thinking of the worst from people."
Kumunot ang noo ko.
Binabasa na naman ng lalaking 'to ang isip ko!
Lumabas si Andro sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto sa backseat. Mas napansin ko ang katangkaran niya nang maglapit kaming dalawa, pero kaagad ding nawala iyon sa isip ko nang makita ang apat na malaking plastic bag na nilabas niya roon.
"Ano 'yan?"
"Food supplies," maikli niyang sagot at hinarap ako. "I think you need it so I bought it."
Nagsalubong ang kilay ko, naguguluhan at naiinis sa nangyayari. "Kung tingin mo'y mapipilit mo ko dahil sa paganyan mo, p'wes nagkakamali ka. Hindi ko tatanggapin 'yan."
Anong akala niya sa akin?
Napakabigat na responsibilidad ang gusto niyang akuin ko, tapos ang kapalit ay apat na plastic bag ng grocery? Ano ako, hilo? Nangangailangan kami ngayon, pero hindi naman ibig sabihin—
"Wala 'tong kapalit. As I've said, stop thinking of the worst from people."
Umawang ang mga labi ko dahil sa narinig sa kanya. Hindi ko inaasahan iyon.
"Sigurado ka?"
Sana'y hindi siya nagbibiro dahil talagang tatanggapin ko ang mga pagkaing iyan.
Bumuntonghininga siya. "Yes. I'm not asking for anything. Gusto ko lang tumulong."
Unti-unti akong tumango. "Salamat..." mahina kong tugon.
Lumingon siya sa bahay namin kung saan kitang-kita ang malaking 'Apartment For Sale' na karatula. Nagtagal ang titig niya roon, at hindi ko alam kung anong meron sa akin pero nakaramdam ako ng hiya dahil doon.
Gusto kong tuktukan ang sarili dahil sa naisip.
Hiya? Kailan pa ako nahiya? Hindi nga ako nahihiyang perahan ang mga manliligaw, tapos ngayon ay mahihiya ako?
Hindi. Hindi dapat ako nahihiya. Ayos lang iyon.
"Uuwi na ako. I just dropped this off," aniya nang binalik ang tingin sa akin.
"Sige, salamat ulit. Uh..." Hindi ko matuloy ang sasabihin.
"Ingat ka."
Gusto kong masuka dahil sa sinabi, pero dahil naging mabait naman siya sa akin, magiging mabait din muna ako sa kanya.
Makapal ang mukha ko, pero marunong pa naman ako maka-appreciate ng kabutihan.
Marahang ngumiti si Andro, at dahil doon, mas lalong luminaw sa akin kung gaano kaamo ang mukha niya. Iyong katulad ng hitsura ni Eric na medyo maamo na medyo may katapangan. Kaya lang, kay Andro, mas maamo at mas matapang.
Hindi ko alam na pupwede pala ang ganoon.
Nang makaalis si Andro ay pumasok na rin ako sa bahay. Puno pa ng halo-halong emosyon ang utak ko, pero dahil sa binigay ni Andro na grocery ay medyo kumalma ako.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Loathes Magic
FantasyAng gold digger ng Ridgeview University na si Aqheia Satorius ay may kapangyarihan; kaya niyang bumasa ng isip. Bukod doon, marami pa siyang tinatagong sikreto, simula sa kanyang tunay na estado, hanggang sa kanyang pagkatao. Si Akkie ay ang prinses...