Chapter 7 | Cousin

5 1 0
                                    

Napangiti ako nang makitang mahimbing pa rin ang tulog ni Ces. Hindi ko pa siya nakikitang matulog nang ganito kahimbing simula noong namatay si Mama Luci, pero ngayon, mukhang peaceful ang tulog niya. Walang bahid ng masamang panaginip o problema.

Siguro nga'y tama ang ginawa kong desisyon na pumayag sa offer ni Andro.

Dahan-dahan akong bumangon at nag-asikaso na para sa pagpasok sa eskwela.

Sobrang aga pa, pero dahil hindi na nag-reply sa akin kahapon si Eric kahit noong tinext ko siya, kailangan ko nang pumasok. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko'y nagalit si Eric sa akin. Noong sinubukan ko rin kasi siyang tawagan ay kaagad na-decline ang tawag.

Amoy na amoy ko ang simoy ng hotdog at bacon nang makababa ako mula sa kwarto. Naririnig ko pa ang mumunting tunog ng plato at kutsara sa kusina kaya napagpasyahan kong doon pumunta.

Doon, nakita ko si Andro na pokus na pokus sa pagpriprito. Hindi ko mapigilang tumunganga sa kanya dahil sa suot niyang puting t-shirt at itim na shorts. Malayo pa lang ay alam ko na kaagad na ma-muscle siya!

Wow.

Kaagad akong umiwas ng tingin nang bumaling siya sa akin.

Mabilis akong naglakad muli at kumuha ng tubig sa ref.

Bigla akong nauhaw ah.

"Good morning," aniya sabay ngiti. Para akong tinutunaw dahil sa kanyang maamong hitsura.

Tumango ako."Good morning din."

Nakita ko ang pagsulyap niya sa suot ko. "Your school allow crop tops?"

"Oo," sagot ko bago naguguluhang tumingin sa kanya. "Paano mo nalaman na crop top ang tawag sa suot ko?"

Ngumisi siya. "I have two sisters and three girl friends, and they are all very particular when it comes to clothes."

Nanlaki ang mga mata ko. "Three girlfriends? At proud ka pa ha!"

"There's a space between the word 'girl' and 'friends'. Not girlfriends," sagot ni Andro na nakasimangot. "You're always thinking of the worst from people."

"Palagi mo kong sinasabihan n'yan. Ikaw nga 'tong judgmental. Jina-judge mo ako oh."

Ang aga-aga pa pero iniinis na ako kaagad ni Andro. Nasasayang lang ang maganda kong gising dahil sa kanya.

"I'm not judging you. Sinasabi ko lang ang napapansin ko." Humalakhak si Andro habang nilalapag ang mga pagkain sa lamesa. "Anyway, you should eat before leaving for school."

"Hindi na ako kakain. Aalis na kaagad ako," pagtanggi ko.

Kahit gusto kong tikman ang almusal na hinanda ni Andro, hindi ko magagawa dahil mas kailangan kong puntahan si Eric at kausapin. Sa umaga lang kasi ang free time niya, at sobrang magkaiba ang schedule namin.

"Alright. Ihahatid na kita." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Sige," mabilis kong pagpayag.

S'yempre, kung tatanggap ako ng grasya, sasagarin ko na. Mukhang malayo rin naman ang Ridgeview mula rito dahil kahapon ay ilang oras din ang binyahe namin bago makarating.

"Wait for me in the car, may gagawin lang ako saglit," aniya na tinanguan ko naman.

Ilang minuto rin akong naghihintay bago siya lumabas sa mansyon. Nagpalit na siya ng damit; mula sa puting t-shirt at itim na shorts, ngayon ay naka-itim na polo shirt na siya, at denim pants. At s'yempre, ang walang kamatayan niyang sunglasses.

May bitbit din siyang paper bag sa kanang kamay niya, samantalang susi naman sa isa.

"Here." Inabot niya sa akin ang paper bag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl Who Loathes MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon