Chapter 2 | A Mansion and A Car

6 0 0
                                    

“Paano… paano mo ‘ko nahanap?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko.

“That’s not important,” sabi ni…

Cyrillian? Cyrill? Cyrus? 

Hindi ko nakuha ang pangalan niya kanina. Andro lang ang tumatak sa isip ko.

“I’m sorry, pero wala akong balak ma-involve sa Bleanriths o sa kahit anong connected sa inyo,” sambit ko habang umiiling-iling. “Umalis ka na at h’wag mo na ‘kong guluhin ulit.”

Tumalikod na ako at binuksan ang pinto, pero bago pa ako makapasok ay mabilis itong sumara ulit. Sinubukan ko iyong buksan pero ayaw nitong gumalaw na animo’y may pumipigil sa pagbukas nito.

Nagsalubong ang kilay ko.

Tinignan ko ulit si Andro. “Ikaw ba ang may gawa nito?”

“Like I said, we need to talk,” aniya habang natatawa-tawa.

“And like I said, no, kaya buksan mo na ang pinto.”

“You are needed at Bleanriths, Aqheia. You’re the princess, you’re the heir to the throne.”

“Pakialam ko. Humanap kayo ng bago," naiirita kong tugon. 

"You know that's not how it works, right?"

Huminga ako nang malalim bago hinarap nang diretso si Andro. "Hindi ako interesado. Ni hindi ko pa nga nakikita 'yang Bleanriths na 'yan, tapos ako ang gagawin mong reyna? Okay ka lang ba?"

"And please, look at me. Hindi ako queen material. Prom queen material, pwede pa, pero iyan? No."

Binigyan niya ako ng mariin na tingin. "Look, King Marlin's health is destabilizing.”

“Ang papalit sa kanya ay si Prince Tobias. I'm telling you, he's not fit for a king. He's vile and ruthless and he wanted to conquer the other dimensions, including Earth. Bleanriths need another heir from a royal family, and that another heir is you."

Umiling ako at mas lalong lumayo sa kanya. 

"I'm sorry, pero iyan mismo ang iniiwasan ko. Gulo. Walang ibang dala ang Bleanriths kundi gulo, kaya please lang, umalis ka na."

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni Andro. Nawala ang pagkakunot ng noo, at ang maamong mukha ay mas lalong umamo. 

Mas lalong gumwapo.

Gusto kong kurutin ang sarili dahil sa naisip. 

Problema ang dala sa akin ni Andro pero nagawa ko pa talagang bigyan ng pansin ang hitsura niya?

"I'll leave now," sambit niya habang binubuksan ang kanyang sasakyan.

Tumango ako, nakahinga na nang maluwag dahil sa wakas ay hindi na hahaba pa ang usapang ito. 

Akala ko’y madadagdagan pa ang problema ko, buti na lang ay madali naman pala siya kausap.

“But I’ll come back tomorrow.”

Susmaryosep. 

“Just think about it, Aqheia,” aniya pa.

Bakit ba napakakulit ng taong ito? Hindi ba niya naiintindihan ang gusto kong iparating?

“Wala kang mapapala kahit araw-araw ka pang bumalik,” naiirita kong sabi bago tuluyang pumasok sa bahay.

Nadatnan ko si Ces sa tapat ng telebisyon, nakapatong ang ulo sa isang malaking unan habang mahimbing na natutulog. Ang kanyang mukha ay natatabunan ng kulay tsokolate niyang buhok, kaya naman ay unti-unti ko itong inayos.

The Girl Who Loathes MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon