Chapter 1 | About Our Home

14 0 0
                                    

Aqheia Sartorius’ Point of View

Napakaganda talaga niya. Lalo na nung lips, grabe, parang ang sarap halikan. Mukhang malambot at ang pula pa!

Gusto kong umirap nang marinig ang iniisip ni Charles.

Kung hindi lang talaga pumapayat si Ces, tatanggihan ko ang imbitasyon nitong makipag-date. Marami pa namang lalaki riyan na pwede kong samahan, iyong mas gwapo, mas mabango, mas mayaman at hindi pa manyak.

Kaya lang ay wala akong choice dahil siya lang ang nagyaya ng date. 

“Ano ang gusto mo?” tanong ni Charles.

Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. “Kung ano ang order mo, iyon na rin ang akin.”

“Sigurado ka ba? Pwede kang um-order ng kahit na ano.”

“Hindi na, ayos lang.”

“H’wag ka na mahiya! I swear, it’s not a problem.”

Nilagay ko ang takas na buhok sa likod ng aking tainga at ngumuso, nagkukunwaring nahihiya. “Okay lang ba? Humihingi kasi si Ces ng pasalubong…”

“Of course! Order whatever you want.”

Hindi ko mapigilang ngumiti. 

Alam kong papayag naman siya. Kahit siguro magpabili ako ng bag at damit, susundin ni Charles, pero s’yempre, unang date pa lang ito. Siguro’y kapag nasa pangatlo na kaming date, saka na lang ako hihiling ng ganoon. 

Kinilabutan ako bigla sa naisip.

Anong pangatlong date? Ito na ang una at huli!

“Ano, Akkie? What do you want?”

“Itong roasted chicken ang akin. For take out naman itong steak, mushroom soup, slice of mocha cake, at deluxe burger,” walang paligoy-ligoy na sabi ko. “Sa drinks naman, water lang ang akin, pero pa-take out nitong chocolate milkshake saka banana milkshake.”

Gusto kong humalakhak nang makita ang nabiglang hitsura ni Charles.

Gamit ang pa-cute kong hitsura, tinagilid ko ang ulo para tignan siya nang maayos. “Marami ba masyado? Patanggal na lang nung―” 

“No, no. It’s fine.” Charles grinned. “Hindi ko alam na malakas pala kumain si Ces.”

Nagkibit-balikat ako. “She’s a growing kid.”

Tumango-tango si Charles. “Pwede bang tabihan kita riyan? I’m much comfortable with conversing closely.”

“Sure.” 

Kakaibang amoy ang pumasok sa ilong ko nang tumabi siya sa akin. Gusto kong masuka nang mapagtantong amoy iyon ng laway, pawis, at pabango na pinaghalo. Kanina ko pa talaga ito naaamoy pero itong ganito kalapit…

Susmaryosep.

Sinusubok talaga ako ni Mother Universe.

“Tell me more about yourself, Akkie,” sambit ni Charles habang malawak ang ngiti. Ang kamay niya’y nakaikot sa likod ng aking upuan, unti-unti akong inaakbayan.

Lumagok muna ako ng tubig, pinapahimasmas ang ilong dahil sa matinding amoy. 

“I’m pretty much the same as everyone else.”

Humalakhak si Charles. “I don’t think so. Iba ka sa kanila.”

“Narinig ko na ‘yan. Ibang linya naman ang sabihin mo,” pagbibiro ko. “Ano ba ang gusto mong malaman?”

The Girl Who Loathes MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon