Aling Rita:
Malapit na ang ika-trenta. Kailan ka magbabayad?
Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang mabasa ang katakot-takot na text ni Aling Rita.
Pakiramdam ko'y talagang pinapahirapan ako ni Mother Universe dahil sa mga nangyayari.
"Hi, Akkie! Good morning!"
Ang busangot at nag-aalala kong ekspresyon ay kaagad kong pinalitan ng isang malambot na ngiti.
"Good morning, Oliver!" maligaya kong bati sa ka-blockmate habang nilalapag ang gamit sa upuan.
"You look beautiful today," nahihiya niyang sambit.
Bakit today lang? Hindi ba ako maganda araw-araw?
Imbes na mamilosopo ay pinalagpas ko iyon.
Kailangan ko ng pambayad sa kuryente at kay Aling Rita, walang oras para mamilosopo at maging mataray!
Binigyan ko siya ng isang malambing na ngiti. "That's sweet. Thank you, Oliver."
Hinintay ko na ayain niya ako ng date, pero nilamon na siya ng kilig at hiya kaya'y hindi na nagsalita pa.
Alam kong matagal nang may gusto sa akin si Oliver, pero hindi naman niya ako pinopormahan. Sayang nga dahil balita ko, ang pamilya niya ang may-ari ng mall sa Centro. Kung sakaling ayain niya ako, mabilis akong papayag at papaabutin ko sa pang-limang date para naman pwede akong humiling ng grocery package.
“Ang aga mo talaga tuwing accounting theory, ano?”
Inangat ko ang tingin at nakita si Yan na may mapang-asar na ngiti. Suot niya ang kanyang paboritong pink na bomber jacket na bumabagay sa kanyang fitted jeans.
“Alam mo namang favorite subject ko ‘to.”
Humalakhak siya. “Don’t worry, favorite ka rin ni Mam Silvia.”
Umupo siya sa tabi ko. Naamoy ko pa ang original na Victoria’s Secret niyang pabango nang hinagod niya ang kanyang nakalugay na itim na buhok.
Maganda si Yan, at bukod sa mayaman, friendly at matalino pa. Pakiramdam ko nga'y napaka-perfect niya na. Iyon nga lang, masyadong mapaglaro pagdating sa mga lalaki.
Sa kanya ko natutunan ang ibang mga bagay-bagay sa pakikipag-date katulad na lang kung paano umarte, at paano makuha ang loob ng kasama.
"G ka na ba sa Friday? Gusto kang ma-meet nung friend ko."
"Hindi ako pwede, pinapakuha ni Mrs. Cabral labada niya sa araw na 'yon."
Kumunot ang noo ni Yan. "Ano ka ba, sayang ang opportunity! Ateneo friends ko makakasama natin!"
"Try ko, pero 'di ako sure ha," sabi ko. "Si Nadz ba? Sasama siya?"
Saktong pagkatanong ko ay ang pagpasok ni Nadz sa classroom, tipid siyang kumaway bago lumapit sa amin. Ang kanyang maikling buhok ay naka-braid kaya mas lalo pa itong nagmukhaang maikli, pero bumagay naman iyon sa suot niyang pulang button dress at pulang flat shoes.
"Good morning."
"Sasama ka sa Friday, 'di ba?" diretsong tanong ni Yan. "'Di ba?" pangungulit pa niya.
Hindi ko mapigilang matawa. "Paupuin mo naman muna bago mo pilitin."
"Saan ba?" tanong ni Nadz habang inaayos ang bag at notebook sa silya.
"Sa bistro, makikipag-meet up sa Ateneo friends ko."
"Pass," mabilis na sagot ni Nadz.
Humalakhak ako dahil doon.

BINABASA MO ANG
The Girl Who Loathes Magic
FantasíaAng gold digger ng Ridgeview University na si Aqheia Satorius ay may kapangyarihan; kaya niyang bumasa ng isip. Bukod doon, marami pa siyang tinatagong sikreto, simula sa kanyang tunay na estado, hanggang sa kanyang pagkatao. Si Akkie ay ang prinses...