Chapter 4

1.3K 137 153
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Elrond's POV

KANINA ko pa napapansin na panay ang tingin sa 'kin ni dad. Kinalabit kasi ako ng bubwit kong katabi para iabot 'yung box ng gatas na kung tutuusin ay abot naman nito pero walang imik ko pa ring inabot sa spoiled na batang 'to. Nang magsalin ng gatas si Elizer ay natapon-tapon pa 'yon, akmang tatayo si Tita Viel pero naunahan ko na siya, kinuha ko 'yung basahan sa may lababo at pinunasan 'yung mesa.

Hindi pa rin maalis ang titig sa 'kin ni daddy, kaya hindi ko na natiis ang sarili ko na magsalita.

"Dad, may tae ba sa mukha ko?" tanong ko.

"Words, Elrond."

"Ay, sorry, Dad," natatawa kong sabi. "Kasi naman, Dad, kanina ka pa tumitingin, eh."

Tumikhim naman si dad. "Wala naman, mukhang maganda ang tulog mo."

Bigla tuloy bumaba ang magkabilang gilid ng labi ko. Hindi ko naman sukat akalaing mapapansin ni dad ang kakaibang ngiti ko.

"Ah, oo, Dad," sagot ko.

"Nabanggit mo noong nakaraan na may exam ka ngayon," sabi ulit ni dad, as usual sinusubukan makipag-small talk. Madalas kasi'y hindi naman niya ako kinakausap kapag nag-aagahan kami. Siguro sadyang nawirdohan siya sa itsura ko ngayong umaga.

"Yes, Dad. First period ang exam namin today." Sumulyap ako sa orasan sa may pader. Nararamdaman ko 'yung pagpitik ng ugat sa noo ko, parang pinagsisisihan ko na naligo ako.

"Mukhang wala ka pang tulog, Elrond," nagsalita si Tita Viel, nakangiti sa 'kin.

"Napuyat po sa review." Fifty-fifty na katotohanan. Hindi nila alam na halos magdamag akong nag-selpon kagabi.

Naalala ko na naman siya kaya parang baliw na napangiti na naman ako. Pagkatapos naming mag-usap ay hindi ako nakatulog! Hindi ako nakuntento sa display photo niya sa Alter kaya sinubukan ko siyang i-stalk sa Facebook at Instagram, parehas sobrang private ng accounts niya, at tatlong pictures lang ang nakita ko.

Hindi ko nga alam kung ilang oras ko pinagmasdan 'yung pictures niya (creepy man pakinggan pero kasalanan ko ba? Kasalanan ng genes ng magulang niya!), maalon-along mahabang buhok na kulay tsokolate, 'yung kutis niyang mamula-mula sa sikat ng araw, 'yung mga mata niyang may kislap na pinarisan ng kilay na sakto lang ang kapal, 'yung maliit niyang ilong na akala mo hinulmang perpekto—shet ka, Elrond! Natamaan kang lintik ka!

Kahit sino naman 'atang lalaki (maliban kay Cooper na walang interes sa mga babae) ay mabibighani sa kadiyosahang tinataglay ni Elora. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko sa tuwing maaalala ko na sa milyon-milyong tao (at users ng Alter) sa mundo ay kaming dalawa ang magma-match.

Gusto kong tapikin 'yung sarili ko sa pagiging swabe ng convo naming dalawa kagabi. Ramdam ko naman 'yung pag-aalinlangan niya pero kahit na gano'n ay maayos pa rin ang naging pag-uusap naming dalawa. I can feel the direction, advance na kung mag-isip pero siguradong may future! Parang trip ko ngang mangisay ngayon nang maalala ko 'yung sinabi niya na, 'I promise na magre-reply ako bukas.'

Against AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon