Chapter 21

314 39 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Elora's POV

IT felt like time froze after he said those words. I was just blankly staring at Elrond in shock and disbelief. It already became hard for me to process that we were living in separate worlds, but then I learned about new things which were even harder to digest.

I just wanted to know if he found my counterpart in his world because it seemed so easy for him to accept that we could never meet in person; that even though we were both feeling something special for each other, he had no difficulty accepting that we should just forget our feelings.

Kung ako ang tatanungin, alam kong hindi ganoon kadali para sa akin na talikuran na lamang ang lahat. It took me a lot of time and courage to accept the growing feelings I had for him. I couldn't just let go. Ngunit noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa aking kapalaran sa kanyang mundo ay para akong nanlambot. Ayaw kong maniwala.

"Y-you're kidding, right?" I tried to deny the cruel reality in his world when the time came to life for me again. "It's not a good joke, Elrond."

Although Elrond could be really playful, I could tell―just by looking into his eyes―that he wasn't playing games with me. He wasn't lying. He was also having a hard time accepting that fact but he pretended like it was fine with him.

Sa pagkakataon na 'yon ay mas kaya ko pang tanggapin na nagsinungaling siya sa akin. Hindi ako magdadalawang-isip na patawarin siya kung bigla niyang sabihing umaarte lamang siya upang i-prank ako. I would rather have him take back those words.

"Sana nga nagbibiro lang ako, Elora..." Mapait siyang ngumiti at iniwas bahagya ang tingin sa akin. "Sana nga hindi totoo 'yong nalaman ko. Nahirapan din akong tanggapin 'yon."

So, I really have a twin named Elise and the Elora in his world is already dead...

"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako tinawag na Elise noon?" tahimik kong tanong habang nagbabalik-tanaw. "You thought she was me?"

Tahimik siyang tumango. "Pero kahit na magkamukhang-magkamukha kayo, malaki ang pagkakaiba ninyong dalawa," dagdag niya at muling may ngiting sumilay sa kanyang mga labi. "Iba ang kilos mo, ang pagsasalita, ang pag-iisip mo... Gaya mo ay mas gusto rin kita."

I bit my lower lip as those sweet words were followed by a painful sting. Hindi ko magawang sumaya nang tuluyan. Doon pumasok sa aking isipan kung bakit siguro pinili na lang ni Elrond ang daan kung saang mas magiging madali ang lahat para sa aming dalawa.

In our case, I wouldn't blame him for thinking that way. What we were facing wasn't just a simple long-distance situation. It was more than that. Nasa magkaibang mundo kaming dalawa. Wala pang one percent ang posibilidad na makita namin ang isa't isa.

Matapos ang aming pag-uusap ni Elrond ay halos malunod ako sa pag-iisip. Natigil nga lang nang narinig ko ang pagkatok mula sa labas. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa pintuan kung saang dumungaw ang ulo ni mommy.

Against AlterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon