Elrond's POV
"STOP laughing, will you?" inis na saway sa 'kin ni Cooper pero imbis na tumigil ay mas lalo ko lang siyang tinawanan.
Napasapo na 'ko sa tiyan ko habang hawak ng isang kamay ko 'yung phone ko kung saan naka-display pa rin 'yung inedit kong picture. Pinagdikit ko kasi 'yung picture ni Cooper 1 ('yung Cooper dito sa mundo ko) at ni Cooper 2 (counterpart version ni Cooper sa universe ni Elora).
Dala kasi ng curiosity, sabi ko kay Elora ay kuhanan niya ng stolen shot si Cooper 2 at kanina lang ay sinend nito sa 'kin ang isang picture. Magkamukha naman talaga ang dalawang Cooper pero ang laki ng kaibahan nila, mula sa tindig, taste ng damit, pagkakayos ng buhok, at aura.
"Coops, kaunting ligo lang ang lamang nito sa 'yo," sabi ko nang tingnan ko ulit 'yung phone ko. "Kaya mo ring magmukhang heartthrob kahit nerd ka. Tingnan mo si Cooper 2, oh, mukhang chikboy kahit na imbentor."
"Will you shut it?" inis na sabi ni Cooper saka inagaw sa 'kin ang phone ko at binura 'yung inedit kong picture na may caption pang, 'Sinong mas angat? Sinong mas sikat?'. "Kung picture n'yo kayang dalawa ni Elrond 2 ang pagdikitin ko at ikumpara. Matutuwa ka kaya?" Bumalik siya sa kaninang pwesto at muling tinuloy ang paghihinang.
"Siyempre hindi," bulong ko at tinigil ko na ang pang-aasar sa kanya. "Ito naman, hindi mabiro. Sorry naman, Coops. Two weeks na tayong nandito sa warehouse ng tito mo—nakababagot na rin."
"I told you already, pwede ka naman nang umuwi—I can handle everything by myself."
"Sus, kahit na sabihin mong hindi ako genius katulad mo, kailangan mo pa rin ng manpower." Totoo 'yon. Dalawang linggo na naming pinagtutulungan ni Cooper gawin 'yung Janus 1, kailangan niya talaga ng assistant dahil kung wala siyang katuwang ay kawawang-kawawa siya. Ayoko naman siyang masyadong abushin. Gusto ko ring magkaroon ng ambag kahit na tiga-luto pa ako ng Pancit Canton.
"Yeah, right."
"At saka mas mainam na 'yung may katuwang ka para mas mapabilis 'yung paggawa natin," dagdag ko. "Alam mo ang swerte-swerte natin. Una, nagawa lahat ni Elora 'yung task niya, kasalukuyan na ring on-going ang Janus 2 sa universe nila—thanks to Cooper 2. And second, pumayag ang tito mo na ipagamit sa 'tin 'to."
Huminto saglit si Cooper sa ginagawa at itinaas ang face shield. "Wala naman na kasing gumagamit nito." Napabuntonghininga siya. "At saka mas maswerte 'yong counterpart ko dahil may sarili siyang laboratory."
Inabot ko sa kanya 'yung metal sheet na kailangan niya bago ako umupo. "Oo nga, eh. Anong pakiramdam na nalaman mo na... Na 'yung counterpart mo, eh... successful na inventor?" Curious lang din akong malaman. Bihira lang kasing maging emotional na tao si Cooper, at saka gusto ko talagang i-open para gumaan-gaan 'yung kalooban niya dahil alam kong mabigat din para sa kanya 'yon.
BINABASA MO ANG
Against Alter
Science FictionAs if willed by fate, college students Elrond and Elora find themselves connecting through Alter--a popular dating app among the youth. But when they discover that their realities aren't what they seem to be, can they be brave enough to risk it all...