Elrond's POV
SINO bang nagsabi na magiging madali lang ang pagmu-move on? Ang akala ko kasi paggising ko kinabukasan matapos ang nangyari'y makalilimutan ko ang lahat, na para bang isang malaking panaginip lang ang mga nangyari sa loob ng anim na buwan.
Una kong tiningnan sa phone ko ang application ng Alter pero parang bula 'yon na naglaho dahil sa pagkakaself-destruct ng Esoterra. Masakit siyempre. Hindi pala madali na isipin na hinding-hindi ko na ulit siya makakausap.
Kinapa ko 'yung puso ko at inalala sa memorya ang mga nangyari, hindi 'yon panaginip at lahat ng 'yon ay totoo. Totoo ang mga alaalang nilikha namin sa loob ng napakaikling panahon.
Matapos naming makabalik noong gabing 'yon ay kaagad nag-file ng report si Cooper tungkol sa kidnapping incident na nangyari sa kanya. Aminado naman si Cooper na may mga detalye siyang iniba at kinubli dahil paniguradong hinding-hindi maniniwala ang mga awtoridad sa kanya. Sa kabutihang palad ay wala nang mga kahina-hinalang tao ang muling lumapit kay Cooper.
'Yong Janus 1 na ginawa namin? Ayon, akala mo'y nagmistulang props na lang para sa isang science fiction movie, nakatambak na lang sa warehouse ng tito ni Cooper dahil ayaw naman niyang itapon—memorabilia rin daw ng first-ever successful project niya.
Back to normal ako sa school, wala naman kasi akong choice, hindi ba? Ang ironic nga kasi tuluyan na 'kong nawalan ng interes sa video games, palagi akong tumatanggi kapag nagyayaya sina Marky ng laro, pati 'yung mga laro sa phone ko'y na-uninstall ko na rin. Imbis na takasan ko ang realidad sa pamamagitan ng paglalaro'y mas pinili kong harapin ang katotohanan araw-araw.
Isang linggo na ang nakalilipas. Sabi nga ng bandang Hale sa kanta nila, 'Natapos na ang lahat, nandito pa rin ako.' Para akong na-stuck sa isang lugar, hindi ko alam kung paano ako makahahakbang papunta sa hinaharap. Naging blangko 'yung utak ko.
"Elrond, hijo, tuloy ka!" Hindi ko namalayan na bumukas na pala 'yung pinto at bumungad sa 'kin ang mommy ni Cooper. Kaagad akong nagmano sa kanya.
"Good evening po. Pasensiya na po, Tita, kung gabing-gabi ko nang sinusundo si Cooper," sabi ko sabay kamot sa batok.
"Naku, okay lang! Mainam nga 'yon at nang lumabas-labas ng kwarto ang anak ko," sagot nito at sinenyasan akong tumuloy sa loob. "No'ng nalaman ko nga sa kanya na susunduin mo siya ngayon para gumala ay natuwa talaga ako. Gusto ko rin namang maging normal na teenager si Cooper kahit papaano."
Natawa na lang ako nang bahagya sa komento ni tita. Pinapanhik niya na lang ako sa itaas para sunduin si Coops. Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto niya at medyo natagalan bago niya buksan ang pinto.
"Let's go?" bungad niya sa 'kin. Nakasuot lang siya ng Star Wars T-shirt at Khaki shorts.
"'Yan na 'yang suot mo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Against Alter
Science FictionAs if willed by fate, college students Elrond and Elora find themselves connecting through Alter--a popular dating app among the youth. But when they discover that their realities aren't what they seem to be, can they be brave enough to risk it all...