Missing You

3 0 0
                                    

Chapter Six

Nilapitan nilang dalawa ni Andrew ang main attraction ng pagtitipong iyon. Si Lalie Velazquez, ang nag-iisang anak ng general manager ng accounting firm na pinagtatrabahuhan ni Andrew sa Australia. Andrew visits the branch here from time to time at dahil doon din nagtatrabaho si Lalie ay nagkakilala ang dalawa. And the woman was really an attraction. Lalie looked very fetching in her dark green gown.

"Andrew!" hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga. "Kailan ka pa dumating?"

"More than a week ago." Hinagip nito ang siko niya. "JM, meet Lalie Velazquez, the birthday girl," ani Andrew. "Lalie, si JM."

"The best friend?" tanong ni Lalie.

Napatingin muna si Joana sa stepbrother bago sumagot sa tanong. "Yes. Jasmin Mae Costales." Iniabot niya ang kamay. "I'm very pleased to meet you." She felt Andrew stiffen beside her at the mention of her twin's name. "Happy birthday," she added.

"Pleasure's mine, really."

Napakaganda ng ngiti ni Lalie, naisip ni Joana. Totoong-totoo. Nakadagdag iyon sa personalidad ng babae. "Heto pala." Iniabot niya rito ang regalong pinili nila ni Andrew.

"Wow. Nag-abala pa kayo. Ano kaya ang laman nito?" Parang batang inalog nito ang regalo at kapwa sila napatawa ni Andrew. Napakaganda ng mga mata ni Lalie, hindi maaaring dala lamang iyon ng makeup, kahit ang mala-manikang mukha nito. Noon lumapit ang ama ng dalaga.

"Inimbitahan ka pala nitong anak ko," he said to Andrew. Mr. Lope Velazquez looked at her daughter proudly.

"An electronic invitation, Tito Lope. Hindi niya alam na uuwi ako ng Pilipinas," sagot ng stepbrother niya.

"Well, I'm glad that you're here. Ngayon ka lang nagbigay sa mga paanyaya naming," malambing na sagot ni Lalie. Parang may himig tampo ang boses ng dalaga.

"I don't believe I've met your companion, Andrew," puna ng matanda. "Napakaganda mo, Hija," anito sa kanya.

"I could say the same for your daughter, Sir," sagot ni JM.

"Ah, at matalino din." They all laughed.

Tila walang balak si Andrew na ipapakilala siya simula nang sabihin niyang Jasmin ang pangalan niya. "My name is JM. JM Costales," pakilala niya sa matanda.

Sandali pang usapan at nagpaalam ang matanda na hahanapin ang kabiyak nito. "I'll introduce you to my wife later, Andrew, JM."

Nang iwanan sila ni Lalie sa table nila ay tiningnan niya si Andrew.

"Why didn't you tell her that I am your sister?"

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo mong pangalan kung ganoon?"

"Hindi ko na alam ang totoo kong pangalan," she bitterly said.

"Kumain na tayo," tanging sabi nito.

"GABRIEL!" bati ni Lalie. "Ang saya ko, andito ka," anito.

"Mas matutuwa ka pag nalaman mo kung sino ang kasama ko," anang tinawag na Gabriel. Noon nakita ng dalaga si Neo at lalong gumanda ang ngiti nito.

"Neo," tila nahihiya nitong sabi.

Now this is the kind of girl who deserves Neo at si Lalie rin ang tipo ng babaeng kailangan ng pinsan niya, Gabriel thought.

"Pasensya na at hindi ako nakarating noong anniversary ng parents mo," paumanhin ng dalaga. Hindi narinig ni Gabriel ang dahilan nito.

Mabuti na rin lang at wala ito noon, naisip ng binata. Si Lalie ang dahilan kung bakit nag-enrol si Neo sa fitness gym na pinagsasanayan nito, Gabriel was sure of that. Minsan nitong napilit ang pinsan na sumama at nagkataong naroon si Lalie na family friend sa side ng ina. Next thing he knew, magkapareho ang schedule ng dalawa at kung minsan ay inihahatid ng pinsan ang babae.

That was three weeks before the anniversary of Neo's parents, before he got engaged to Jasmin. After the party, hindi na nagpunta sa gym ang pinsan. Neo would not want to hurt Lalie. That must be his cousin's reason. Gabriel could see the attraction between the two. Kilala nito si Neo.

"Kalimutan mo na iyon," Neo answered.

"Wala ka bang magandang balita sa akin?" tanong ng dalaga.

"You missed meeting my fiancée. We were engaged the night of my parents' anniversary."

"Really?" Lalie seemed to have missed a step upon hearing the news. "I would have loved that. Kilala ko ba siya?"

Gabriel could have cheerfully kicked his cousin for what the latter said. Neo was not serious about Jasmin. Or... was he?

"Si JM Costales," malinaw na pahayag ni Neo.

"But... I think... I just met her," naguguluhang sabi ng dalaga.

"Kailan?" Si Gabriel ang nagtanong. And since when did Neo start calling his girlfriend JM?

"Kanina lang." Ibinaba ni Lalie ang iniabot nilang regalo na hawak nito. "Ipinakilala siya sa akin ng isa sa mga programmers sa overseas office na malapit kong kaibigan. I doubt if you knew Andrew Cheng?" tanong nito kay Neo.

"Excuse me," paalam ni Gabriel sa dalawa. Hindi nito mabasa ang ekspresyon ng pinsan. Plano nitong hanapin si Jasmin bago magpang-abot ito, ang kasama nitong lalaki at si Neo.

Andrew Cheng. Sandaling pinadaan ni Neo ang mga mata sa paligid. He placed a hand inside the right pocket of his slacks, removed it and combed his long bangs with lean fingers. He breathed out. JM. Tinawagan niya ang dalaga kanina para ayain itong lumabas, sumama sa party. Pero may lakad umano ito. He made it appear like he was not disappointed. He nonchalantly bid goodbye, kunwa ay hindi interesado kung sino ang kasama nitong umalis, kung saan ito pupunta. Pagkatapos ngayon ay malalaman niyang lumabas ito kasama ang lalaking iyon? Isang lalaki na noong huli niyang makita ay yakap ang nobya niya.

"Ikukuha na kita ng pagkain," offer ni Lalie, tila nag-aalinlangan.

"Why not?" He wore at charming smile. Lalie placed a hand on his arm and led the way.

INIWAN SILANG MAGPINSAN ni Lalie nang may magpasama rito sa restroom, dahilan para mapansin ni Gabriel ang simpleng paghahanap ni Neo.

"Umuwi na sila," pagbibigay-impormasyon nito.

"What did you say?" baling ni Neo rito.

"Si Jasmin ang hinahanap mo, right? Kani-kanina pa raw umalis, sabi ni Tito Lope. I did not get to see them. Kaagad din daw nagpaalam," paliwanag ni Gabriel.

"Kasama niya si Andrew?"

"According to Tito Lope, yes. Paano mo siya nakila—"

Hindi nito naituloy ang itatanong nang kuhanin ni Neo ang cellphone at mag-speed dial.

"Tama. Si Neo ito. Nasaan ka?"

Napanganga si Gabriel sa inuugali ng pinsan. Never in his life had he seen Neo to be possessive. Marunong palang magselos ang pinsan? Hindi nagrebelde ang binata noong ampunin si Nenita na mas matanda rito gayong sanay si Neo na solong anak. May bait na silang pareho nang dumating si Nenita sa pamilya ng mga Garcia. Hindi rin madamot si Neo. Kahit kotse ipinapahiram kung kailangan.

"I'll see you tomorrow," Neo told JM, may pangako at pagbabanta sa tinig. Pinutol niya kaagad ang pakikipag-usap, hindi binigyan ng pagkakataong tumanggi na naman ang kausap. Hindi niya maintindihan ang sarili. Parang gusto niyang ibato ang cell phone sa kabila ng presyo niyon. What are you doing to me, JM?

IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon