That Green-Eyed Monster

50 2 2
                                    

AN: Punsh_J, para sa iyo 'to. Mabagal ang net ko kaya next

time ko na i-dedicate, ha. Dahan-dahan sa pag-comment at

lumalaki ang ulo ng author. Haha!

I really appreciate it. Salamat sa pagbabasa. :)

Chapter Four

After three days ay nagpaunlak si Andrew sa imbitasyon ni

Nyora Idad na sa mansion tumigil. Doon ito tumuloy pati ang

kapatid na si Adrian.

It was on the fourth day when Joana heard again from Neo.

"May date kayo? N'ung kunwa-kunwariang boyfriend mo?"

Parang gustong tumawa ni Adrian. Sinadya nitong makinig sa

telephone conversation nila ni Neo nang malaman nito kung

sino ang tumawag.

"Shh... ano ka ba? Pag may nakarinig sa iyo—" Naglakad siya

patungo sa breakfast area. They were having brunch. Kasunod

niya si Adrian.

"Anong oras ba ng... he-he... date ninyo?" nang-aasar na

tanong ng bunso niyang kapatid.

Sinabi niya na darating si Neo bako mag-alas-onse.

"Grabe. May lahing GI ba iyang si Neo? Di ba ga gan'un daw

mangligaw ang mga Chinese?"

"Gatungan mo pa." GI ang term na ginagamit ng kanyang

Uncle Tony sa mga kaibigan nitong genuine intsik.

"Anong oras ka naman uuwi?" parang matandang tanong nito.

"Hindi pa po ako nakakaalis," sarkastikong tugon niya.

Nagsalin siya ng orange juice sa isang baso at inabot iyon

dito. Nakupo ito sa tapat niya.

"You'll never hear the end of this from Andrew," he muttered.

"Kasalanan niya. Wala siya dito ngayon, eh." Andrew flew to

Singapore earlier. Business, as usual.

"Mapipigilan ka niya?"

"Hindi, pero puwede siyang sumama kung gusto niya," sagot

ni JM.

"Ako, hindi puwede?"

"Maiwan ka dito, bantayan mo si Lola."

"You mean ako ang babantayan niya," he sourly rejoined.

"Ano ba ang sinabi ko?" She faked innocence.

Nagtataka siya nang biglang magbago ang ekpresyon nito.

Pagtingin niya sa pinto sa bandang likuran ay naroon si Clare.

"Join us, Tita Clare," he invited.

He could be sweet, JM mused.

Naupo ang babae sa puwesto sa tabi ni Adrian. Nagsalin ito

ng kape.

"Madalas yata kayong nag-uusap ni Nyora Idad," komento nito

sa lalaki.

"Well, I'm a good conversationalist," pagmamalaki nito.

"A talkative one, you mean," pang-aalaska ni Joana.

IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon