He Loves Me Not, He Loves Me

87 6 1
                                    

Chapter Three

Pinatuloy ni Clare sina Andrew at Adrian. Alam nitong makasisiya iyon kay Joana. Hindi man inaasahan ni Andrew ang imbitasyon ay nagpaunlak ito. Tutol ito sa ginagawa ng dalaga pero sadyang may sariling isip at desisyon si JM.

Pagpasok nila sa loob ay naroon ang mga pinsan umano ni Jasmin. Halos dalawang pamilya ang bisita ni Nyora Idad. Kapansin-pansin na sina Andrew at Adrian lamang ang mga lalaki.

"Hija, hindi mo ba kukumustahin ang mga pinsan mo?" umpisa ng doña.

"Magandang hapon," ani JM. Ipinakilala niya ang mga kasama bilang mga kaibigan.

"Saan mo sila nakilala, Jasmin?" tanong ng isa na ipinapalagay ni JM na tiyahin.

"Sa school," pagkakaila niya.

Pinaupo ni Clare ang dalawang binata.

"Alam ba ng kasintahan mo na lumalabas ka na kasama nila?" tanong ng isang pinsang kasing-edad niya marahil. Natatandaan niya ito buhat sa larawang ipinakita sa kanya ni Clare.

"Hindi pa, Trisha." Naramdaman niya ang mga mata ni Andrew at parang naririnig ang tanong: Kasintahan? "Kagagaling lang nila ng Australia," patuloy niya.

"What a coincidence!" palatak ng isang dalagita. "Magbabakasyon kaming magkapatid sa Sydney this summer," si Anna. Si Allen naman ang kapatid na tinutukoy nito.

"Baka sumama rin ako sa kanila. Pero I already visited Australia last year. Sayang talaga, Jasmin, at hindi ka makakasama," ani Trisha na parang siguradong-sigurado. "Di ba kasi, you have to take care of Lola," dugtong nito. There was one word to describe her: plastic.

Napaubo si Adrian. Blangkong tinapunan ito ng tingin ni Andrew. Kung hindi ito nakapangako kay Joana ay baka walang nasabi sa pagkapahiya ang mapupulang labi ni Trisha.

"Hindi ka pa nakakapunta ng Australia, di ba, Jasmin?" patuloy ni Trisha.

"Hindi pa," pagsisinungaling niya. Doon lang naman ako lumaki, dugtong niya sa isip.

"Dito na rin kayo maghapunan," pag-iimbita ni Nyora Idad sa dalawang lalaki. "Gusto ko pa kayong makilalal."

"Sa susunod na lang po," tanggi ni Andrew. "Hindi ko po inaasahan na malayo ito sa hotel na tinutuluyan namin."

"Kung gayon ay sige, aasahan ko sa susunod na pagkakataon." Nakita ng doña na hinagip ng apo ang mga mata ni Andrew. "Puwedeng dito din kayo tumuloy."

Napatingin si JM sa abuela. She didn't know of Andrew's plans. Business ang dahilan kaya ito umuwi. She just hoped na hindi makakasira sa mga plano nito ang pagtulong sa kanya.

Tumayo na si Andrew at sumunod si Adrian. "Pag-iisipan po namin. Salamat po sa imbitasyon. Magpapaalam na po kami."

"Sasamahan ko lang sila sandali, Lola," pasintabi niya sa matanda at sa mga naroon. Tahimik siyang sumabay sa dalawa. Naghihintay sa kanila si Clare sa garahe. Nagpaalam ito sa kanya na ipapalabas ang kotse kay MangVal at ipapahatid ang mga kapatid niya.

"Ano'ng problema ng mga pinsan mo?" ani Andrew. Nakatayo lang sa tabi nito si Adrian.

Kinakabahan siya sa tono nito. Tila magbabago ang isip na tulungan siya.

"Si Jasmin."

Kumunot ang noo nito.

"Si Jasmin ang problema nila. Ako," paliwanag niya.

"What do you mean?"

"From what I gathered, she's not a very lovable character, she had this attitude of antagonizing people just by being herself. Pero from what I've seen of her-our cousins, maybe she had her reasons. Don't worry, kaya ko ito."

IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon