Chapter Eight
Imbitasyon iyon galing kay Gabriel, ang pinsan ni Neo. Nakilala niya ito noong birthday party ni Lalie Velazquez. Nagtataka siyang hindi sila nagpang-abot doon ni Neo. Pero mabuti na rin iyon. Dahil si Andrew ang kasama niya nang gabing iyon. She had no idea they were moving in such small circles.
Isang resort sa Batangas ang pupuntahan nila. Kasama sa imbitasyon sina Andrew at Adrian. Naroon din si Nenita, ang asawa nito at mga anak na sina Pearl at Patrick. May ilan pang kaibigan na inimbita si Gabriel na di pa kilala ni JM.
She arrived with Adrian and Andrew, bagay na hindi ikinagusto ni Neo. Pero pinalampas nito iyon. Inihatid sila ng driver na si Mang Val. Ang naiisip niyang problema ay kung alam ng mga tao sa paligid niya na champion swimmer si Jasmin. Because she could not swim if her life depended on it! Masaya na siyang nakababad sa tubig o kaya naman ay nagpapadulas sa slide ng pool na humigit kumulang five feet lang ang lalim. Oh, how helpless could she get!
Si Neo ang unang lumapit sa kanya. Nakita niyang iniwan nito si Lalie at halatang hindi iyon nagustuhan ng dalaga. Shame. Napakaganda ng pakikitungo ni Lalie sa kanya noong kaarawan nito. Ayaw niyang magbago iyon.
Neo acknowledged Andrew and Adrian. Lumapit sa kanila si Nenita at ipinakilala ito ni Neo. Inestima ng babae ang mga kapatid niya. Nasa kiddie pool umano ang asawa nito kasama ang mga bata. Nakita niyang nilapitan ni Gabriel si Lalie. Patungo naman sa mga ito siya inakay ni Neo.
"I want you to meet my friend, Lalie and my cousin, Gabriel. This is JM, my fiancée."
"Magkakilala na kami," aniya, pinilit ngumiti.
"Yes, but you're not formally introduced, Sweetheart."
"Kumusta?" tanong ni Lalie.
"Okay naman. Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga.
"Of course. Hindi ako pipili ng pangit na lugar," salo ni Gabriel.
May pakiramdam si JM na ayaw nito sa kanya, o kay Jasmin. He was aloof, almost rude. Na para bang pangit ang pinili ni Neo para makasama sa magandang lugar na ito.
"Neo, baka nagugutom ka na. Tara, samahan mo akong kumuha ng pagkain," anyaya ni Lalie na para bang wala siya roon. "Ikaw na rin ang kumuha para kay JM. By the way, si Andrew ba iyong kausap ni Ate Nenita? Baka gusto mong tanungin ang best friend mo kung nagugutom na siya." Idiniin ni Lalie ang salitang best friend.
Tiningnan siya ni Neo, as if saying sumama siya rito, di pansin ang patutsada ni Lalie. Pero umiling siya. "Hindi pa ako nagugutom. Samahan mo na muna si Lalie. I'll be fine here with Gabriel."
Malaki ang open cottage na iyon. Nakatayo sila ni Gabriel sa bamboo railings overlooking the sea. Sa kabilang bahagi ang mga pools. May comfortable wooden seats at sofa malapit sa puwesto nila.
"Gusto mong maupo?" tanong niya sa binata.
"Go ahead." Nanatili itong nakatayo.
Hindi na rin muna siya naupo.
"May nagawa ba akong mali sa iyo? I feel that you are almost... hostile."
"I'm sorry if I am that way toward you. It's just that alam kong hindi ikaw ang tipo ng pinsan ko. I don't know what happened pero he acts differently now. Do you see Lalie there? Now—siya, siya ang babaeng gusto ng pinsan ko. Siya ang dapat liligawan niya o nililigawan na niya before his mother announced his engagement to you. Lalie's loss, hindi niya kaagad nasagot si Neo."
"Pero... what is it to you?" malumanay niyang tanong.
Sukat doon ay tinitigan siya ni Gabriel. At nakita niya sa mga mata nito ang damdamin sa mga mga matang humaharap din sa kanya pag tumitingin siya sa salamin.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH A LIAR
RomanceUmuwi ng Pilipinas si JM o Joana Mae para makilala ang ama at ang kakambal na si Jasmin Mae. Pero nalaman niyang nasawi ang huli sa isang aksidente at kinailangan niyang magpanggap bilang ito para sa lola nilang may sakit. Mahirap dahil parang araw...