Home With You

2 0 0
                                    


Chapter Seven

Pasado alas seis nang dumating si Neo sa bahay ng mga Costales. Inaasahan na ito ni Joana. Nagbigay galang ito kay Nyora Idad na noon ay nasa living room.

"Upo ka muna. Magbibihis lang ako. Hindi mo naman kasi sinabi kung anong oras ka darating," ani Joana. Naroon ang paninisi sa tinig pero pag-arko lang ng kilay ang itinugon ng binata.

"Kumusta, Neo? Kumusta ang iyong Mama at Papa?" narinig niyang sabi ng kanyang lola. Hindi na niya hinintay ang tugon ng lalaki dahil tinungo na niya ang kanyang silid. Habang nag-aayos ay na-realize niya na hindi pa nga pala niya kilala ang mga magulang ni Neo. She sighed. Sabi nga, cross the bridge when you get there. Iyon ang gagawin niya.

Maingat niyang isinara ang kanyang silid at tinungo ang sala. Nakita niyang tumayo si Neo. "Lola, aalis na po kami," paalam niya.

"Sige po, Nyora Idad," anang binata.

"Sige, mga Apo. Enjoy yourselves."

Patalikod na sila at palabas ng front door nang pababa sa hagdan na humabol si Adrian.

"Ate!" sigaw nito.

Nakakunot ang noo at napapangiwing tinapunan niya ito ng tingin. Tinawag na naman siyang 'Ate.' "Bakit?"

"Hi, Kuya Neo!" he greeted.

"Hi," tipid na tugon ng huli.

"Umm, Jasmin, puwede ba kayong dumaan ng pharmacy?"

Huli na ang pagbawi ng kapatid. "Ano'ng kailangan mo sa pharmacy?"

"Hindi ako. Si Kuya Andrew. He's running a slight fever."

"Ha? Bakit di mo kaagad sinabi? Kailan pa?" Di niya maiwasang magtaas ng boses. Nakita niyang napalingon ang kanyang lola sa kanila, na noon ay nagbabasa ng diyaryo sa sala.

"Ewan ko. Isa pa, mas malapit ang kuwarto mo sa kanya. Lumipat na siya noong isang gabi. Naayos na ni Tita Clare."

"Ano raw ang pabili niya?"

"Alam mo na daw iyon."

Tahimik na nakikinig si Neo. Hindi namamalayan ng binata na mahigpit nitong naikuyom ang kamao.

"Excuse me, Neo. Pupuntahan ko lang ang ka... kaibigan ko."

"Sure," maigting na sagot nito.

Napakamot ng batook na sumunod sa kanya si Adrian. Kitang-kita ni Neo nang pumasok ang dalaga sa isang silid nang ni hindi kumakatok. Parang gusto nitong suntukin ang pader na malapit sa kinatatayuan. Ilang sandali pa ay bumalik na si JM. Walang imikan na tinungo nila ang sasakyan ng lalaki.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"I thought sa pharmacy?" sarkastikong tugon ng lalaki.

"Oh, yes. Okay lang ba na dumaan muna tayo?"

Lalong kumulo ang dugo ni Neo. "Seryoso? Siguro naman puwedeng mamaya na. May 24-hour pharmacies naman." Naroon pa rin ang sarkasmo sa tinig nito pero tila di iyon nahahalata ng babae sa passenger seat.

"Gusto ko kasing makasiguro. Baka kasi wala doon sa pharmacy na sinasabi mo. Ayoko namang matapos ang gabi na nililibot lang natin ang mga drug stores dito sa siyudad," pabiro niyang tugon.

"Mabuti naisip mo iyon," napipikong tugon ng binata.

"Maarte kasi iyong si Andrew, eh. Hindi basta-basta umiinom ng gamot. May allergy kasi siya sa mga simpleng paracetamol at iba pang generic na medicine sa lagnat." Nakuha pa niyang tumawa.

IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon