Chapter 31:

1.3K 24 2
                                    

Chapter 31:

Bestie,

I just want to say 'SORRY', bestie alam ko nagkamali ako.. sana mapatawad mo pa ako sa kabila ng katangahang ginawa at nasabi ko sayo. Sobrang nagsisisi ako sa nasabi ko sa'yo sobrang gulong gulo lang talaga ang isip ko ng mga panahong iyan. Bestie shaine, give me a second chance I'm begging you please bestie, forgive me. Let's continue our friendship I know It's so stupid that I can easily say this words but please ituloy natin. Ayaw kong pati ikaw mawala sa akin. Magkita tayo sa lugar na lagi nating pinupuntahan, kung saan mas lumalim pa ang pagkakaibigan natin 7:00PM. Let's talk about this. Hihintayin kita, sana pumunta ka. I will wait you.

Nicole (Bestie)

Mamaya na.. Kinakabahan ako. Sana pumunta sya at isa pa, sobrang miss na miss ko na rin kasi sya. "Anak, mag-impaki kana. Nagyon ang alis natin tungong Switzerland" Sabi ni mama

"Po? Switzerland?? Ang layo naman po?? Bakit doon pa po? Pwede namang dito na lang sa pilipinas bakit sa ibang bansa pa?" Mahabang litanya ko.

"Kasi anak, nandoon na nagtatrabaho ang doctor ko noon. Susundan natin sya doon para dun kana mag-undergo ng surgery sa lalong madaling panahon"

"Pero ma, bakit ngayon na agad?"

"Kailangan mo na nga kasing mag-undergo diba? Gusto ko na gumaling kana agad."

"Pero ma, natatakot po ako.." Naiiyak na sabi ko. "Shh.. wag kang matakot anak, nandito lang kami sayo." Masuyo akong niyakap ni mama upang patahanin "Natatakot po ako.. p-pano kung hindi magsucess yung surgery pa-paano kung--"

"Anak! Hindi ka pababayaan ng diyos! Gagaling ka, tiwala lang"Sabi ni mama habang hinahaplos haplos pa ang likod ko. "Ma?" Tawag ko sa kanya

"Hmm?"

"Pwede po bang bukas na lang ng umaga tayo umalis?"

"Bakit?"

"Kasi po may aayusin lang po muna ako bago tuluyang lumisan dito" Sabi ko. Nag-isip muna si mama bago muling nagsalita "Sige." Ngumiti naman ako kay mama sabay yumakap dito. "Salamat po mama"

***

6:43PM

Agad na pumunta agad ako sa tagpuan namin ni shaine ann ang PLAYGROUND dito kami madalas tumatambayy ni bestie. Ayokong malate kahit na isang minuto ayoko.. ayokong mahuli kahit na hindi ko alam kung pupunta ba sya talaga. Ni hindi ko nga alam kung natangap na ba nya o binasa na ba nya yung sulat ko para sa kanya. Pero kahit ganoon umaasa pa rin ako, umaasa ako na itutuloy pa rin namin yung pagkakaibigan naming dalawa.

7:08PM

Dadating rin yun. Siguro nagpaganda pa yun? Knowing Shaine ann Aspen. Ganun talaga yun laging nagpapalate.

7:46PM

Dadating yun. Sus! 1 hour yung nagpapalate eh. Naalala ko pa noong may date sila ni Edward talagang kinuwento nya sa akin na nagpalate daw talaga sya ng isang oras dahil dapat ganoon ang mga babae, para malaman daw kung totoong sincere ang mga lalaki sa mga babae.

8:00PM

Malapit na yung dumating.

8:58PM

Dadating talaga yun...sana. Nilaro-laro ko na lang yung kamay ko habang umaasang may darating na kalog,maganda,baliw at maalalahanin nyang besty.

9:15PM

Ang girlfriend kong NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon