Chapter 28:
Ayun sya! "Ahh-- K-kupal!" tawag ko kay kupal. peste na uutal pa ako.. ilang days or let say weeks ko na rin kasi syang di na tatawag ng kupal. Idagdag mo pa yung Mutual understanding namin.
Huminto lang sya sa paglalakad. Pero nakatalikod parin sya sa akin. Parang bigla akong kinabahan. tyaka feel ko napipi ako bigla.. nalunok ko ata dila ko.
"May sasabihin ka ba? Kung wala aalis na ako." Malamig na sabi nya.
Dati yung unang pagkikita namin, pag kinakausap nya ako yung tono at yung emosyon nya may halong galit tapos yung medyo naging close kami. CLOSE nga ba? basta.. yung naging medyo close kami yung tono at emosyon naman nya parang masya sya, kumbaga parang matagal na syang hindi nagiging masaya.. haa ewan nababaliw na ako. -.-
Nakita kong akmang aalis sya.. "Aaa-- Ano.. umm.. K-kasi, gusto ko lang sanang m-malaman k-kung.." Huminga muna ako ng malalim bago ituloy yung sasabihin ko.. kasi pwedeng sa simpleng isagot nya ay mag cause ng pag atake ng lesheng puso ko. Pero bahala na.
"A....A-ano ng m-meron satin?"
"Ha?" Humarap sya sakin. Sht. Lalo akong kinabahan.
"ahh.. ano.. D-diba n-nanliligaw ka sakin? So ba--"
"Ahh.. Iyon ba? Itinitigil ko na pala ang panliligaw ko sayo. " ANO?! Ganun na lang yun?! Kung kailang... kailang balak ko panaman sana na syang sagutin dahil.... mahal ko na sya.
Hss.. Nakaramdam ako ng konti.. de joke lang sobra. Sobrang sakit sa dibdib.
"Bakit? B-bakit mo inihinto?" naiiyak na sabi ko. Ang babaw ko noh?
"Bakit? May dahilan ba para hindi ko itigil?" Ahh! Sumisikip yung dibdib ko.
"H-ha? Eh kasi.. b-balak na sana kitang.. sagutin"
"Ok." konting pitik na lang sakin feel ko mababagsak na ako anytime. Bakit okay lang? Ang sakit.
Naiiyak ako.
"Bakit mo nga itinigil???"
"Dahil gusto ko."
"Bakit gusto mo?!!"
"Ano bang problema mo? Ba't kaba naninigaw? Di pa ba sapat sayo na tinigil ko na. Ayoko na!"
"Bakit nga ayaw mo na?! Ano bang meron?" Mukha na akong desperada pero wala akong pakialam!! Ang importante malaman ko kung bakit ayaw na nya! Ano yun paasa?! Kung kailang mahal ko na sya ehh..
"Hindi mo ba talaga naiintindihan?" Naiirita ng sabi nya sakin.
"Hindi naiintindihan ang alin?!"
"Na ayaw ko na! -- teka? Minahal nga ba kita?" Sa sinabi nyang iyon. Yung luhang kanina ko pang pinipigilang bumagsak ehh.. natulay na.. Ang hirap..
"S-sabi mo --" Pinutol nya ang sasabihin ko "Oo! Sinabi ko yun para masaktan ka!!" Tumalikod sya sakin at pinagpatuloy ang pagsasalita "Sinabi ko yun! Para masaktan ka! Tanga ka ba?! Alam mo namang ayoko, ayokong ayoko sa mga NERD na katulad mo! Ha! Ang talino mo nga sa lahat ng subject pero ang bobo mo naman pag dating dito! Sa tingin mo ba mahal kita?! Naniwala ka talagang minahal kita no?! Isa lang yung palabas! Everything is a LIE! You know what, Sa lahat ng NERDS na naka-encounter ko.. ikaw lang yung bukod tanging pinaka mahirap kalabanin kaya ginawa ko na lang ang kahinaan mo.. Naalala mo ba yung na-stuck tayo sa room?" Bigla namang nagFlashback sakin yun..
FLASHBACK:
Pauwi na ako ng may makalimutan akong kunin sa locker ko. Nakalimutan ko kasi yung libro ko may irereview kasi ako.. So naglakad na ako pabalik sa locker room ng may biglang bumato sakin ng dictionary.
BINABASA MO ANG
Ang girlfriend kong NERD (COMPLETED)
RomanceThere was a guy who despise the NERDS and there was a lady she is preety, she is smart, silent evil, and the most she is a NERD in her form, in what her way to wear a clothes it's totally nerd if you'll only look at her but when you talk to her..You...