Chapter 33:
-- After 2 years --
"TOL!! Ang galing mo! Nangunguna ka na naman sa klase! Natalo mo na naman si Cortez!" Tuwang tuwang sabi ni Mike sa binatang si Laurence. Lagi na kasing nangunguna ang binata sa Ratings ng klase pati na rin sa buong paaralan. "What do you expect to me? Haha! Ikaw lang naman ang walang bilib sakin eh!"
2nd Year College na sila. Pare-parehong kurso ang pinili ng magkakabarkada.
"Tol! Ang galing mo naman! Balato naman ng katalinuhan dyan!" Sabi ni edward habang sinisiko siko si laurence.
"Oo nga! Puro bokya na nga kami dito oh!"
"Anong Bokya kenzin?! Ikaw lang!" Agad na maang ni Sync.
"Hayaan nyo mga tol, itututor ko na lang kayo"
"Tol naman! Wala namang ganyanan! Gusto mo bang mamatay agad kami? Manlibre ka na lang. O kaya--inuman tayo." Suhestyon ng binatang si Mike.
Binatukan ni Gabby si Mike at nagsalita "Hahaha! Sayo talaga ng galing yan ah. Ikaw pa naman yung pinakamababa sating magkakabarkada!"
"Hahahaha! Oo nga, ano? Mag-iinum ba tayo?" Pagtatanong ni Kenzin sa kaibigan.
"Hindi. No one else will going to drink alcohol." Ani laurence sa mga katropa at pinaliwanag pa niya dito kung anong mangyayari sa kanila kung inom sila ng inom ng alak.
************
"Potanghenaj! TOL!! Sasabog na ulo koooo!" amang ni mike. Kanina pa kasi nagtuturo si laurence sa mga katropa. "Ako. Gets ko na, madali lang naman pala!" Saad ni kenzin habang nag-uunat unat ng braso.
"Nga pala tol, hindi pa rin ba umuuwi sila tita Laura at tito Renzo?" pagtatanong ni Sync. Last year, umuwi sila Laura at Renzo Zeurrit pagkatapos bumalik ulit doon sa ibang bansa. Buti na lang at napatawad na ni laurence ang mga magulang pero minsan di nya pa rin maiwasang magtampo.
"Ayun di pa rin umuuwi, may inaayos pa daw kasing trabaho doon kaya medyo busy and nauunawaan ko naman yun" wika ni Laurence sabay lipat ng pahina ng libro
"Ahh." Yun na lamang ang nasabi ni Sync.
"Oh. Ito naman ang pag-aralan nyo dahil itetest 'to bukas." Ani laurence sabay pakita ng libro.
x--x-x--x
"GOOD EVENING CLASS, before you start the exam, I would like to introduce to all of you, your NEW CLASAMATE." Bungad na bati ng guro nila. Mabilis na natuon ang atensyon ng magkakabarkada lalo na si Laurence sa pambungad na sinabi ng guro nila. Nakaramdam ng sobrang kaba si Laurence pati na rin sila edward.
"She's from Cristalazica University the highest College Campus in Italy. Let's give her a warm welcome" pahababol pa ng guro. Nadismaya ang magkakabarkada akala nila galing switzerland at iyon ay ang matagal na nilang hindi nakikita, dalawang taong nakakalipas. Si Nicole Vheench. Ang amazonang nerd na nagpalambot ng puso ng Prince of nerd's bully na si Laurence Zeurrit.
May pumasok na magandang babae. Poise na poise itong naglakad sa harapan upang magpakilala. Nakasuot ng light blue dress. Simple lang syang tingnan. Napakaganda. May light make up. Curly ang bawat dulo ng buhok na nakahighlights na kulay brown.
"Hello!" Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang dalaga. "I guess the others already know me."
"She looks familiar" sabi ng isang babae. Narinig naman iyon ng new student. "Do you not know me? but I know you. I really really know you....chelsea" walang halo na kung anong emosyon sa boses ng bagong estudyante ngunit nakaramdam ng kaba ang babae na tinawag ng new student na chelsea.
Pagkatapos ngitian ng new student ang babaeng si chelsea ay inilipat na nya ang tingin sa buong klase.
"I just went to switzerland to have my operation and also to take some rest" patuloy ng bagong istudyante.
"Ma'am excuse me, I came from Switzerland" nakangiting sabi ng new student sa guro ngunit mahina lang. Sapat na para marinig ng guro lamang "Ow? I'm sorry hija. I stand corrected."
Titig na titig si Laurence sa new student, ang lakas ng kabog ng puso nya. "S-si nerd kaya yan?" ani ni Laurence sa sarili ngunit narinig ni edward "Baka si Nicole nga talaga yan? Kasi switzerland daw, ang problema, ibang-iba sya."
"I left so many people that I love but now I'm here..." Saglit na ibinitin ng new student ang sasabihin. "I came back here because my life is here.."
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni laurence para ng abnormal.
"I am so glad that my operation was a success" humawak pa ang dalaga sa dibdib nito.
Kinakabahan si laurence. Naeexcite sya na ewan. Parang may kung ano sa tiyan nya na parang may kumikiliti. Gustong-gusto na nyang maniwala sa naiisip nya at naiisip ng buong barkada. Siya nga kaya si nerd? Sana..sana.
"I came back here because SOMEONE needs my witty personality" nakakalokong ngiti ang ipinakita ng dalaga.
"I have something to continue here.."
"..and that is to love SOMEONE who can't love me back. I know this looks stupid but I don't care."
"If you don't know me at all, okay I will introduce myself.."
Sobrang tahimik ng buong paligid. Kung kanina may nagbubulungan pa, ngayon wala na..ang lahat ay nakatuon ang atensyon sa NEW STUDENT
"I'm..."
Nakakabingi ang katahimikan. Hinihintay ng lahat ang sasabihin ng bagong kamag-aral
"I'm... I'm Milka Monterial."
BINABASA MO ANG
Ang girlfriend kong NERD (COMPLETED)
Storie d'amoreThere was a guy who despise the NERDS and there was a lady she is preety, she is smart, silent evil, and the most she is a NERD in her form, in what her way to wear a clothes it's totally nerd if you'll only look at her but when you talk to her..You...