Chapter 35:

1.6K 24 2
                                    

Chapter 35:

Nicole's P.o.V

"Happy 4th monthsarry baby nerdy " Nakangiting bati sa akin ni baby kups Boyfriend ko na sya at pang apat na buwan na simula ng maging kami. Naaalala ko tuloy nung' isang bwan bago ko sya sinagot pano naman kasi yung way ng panliligaw nya kakaiba. Parang ako yung nanliligaw eh. -*-

Flashback:

Naglalakad kaming dalawa ni kupal pauwi na kami dahil tapos na ang klase, No HHWW ah. Infairness tumalino sya ah. Di ko na tuloy kailangang magpakahirap na turuan siya.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. "Bakit?" Tanong ko.

"Yu-yung puso ko.." Nakita kong humawak pa sya sa dibdib nya. Omygod! Wag mong sabihing may sakit din sa puso si kupal?

"A-anong nangyari sayo?! Bakit? May-may masakit ba?? Sumisikip ba??" Natatarantang tanong ko sa kanya. Naawa kasi ako sa kanya, yung itsura nya kasi parang talagang nasasaktan sya. Siguro ganyan din ako noon kapag umaatake na ang sakit ko.

"Yu-yung puso ko... Nasayo." Sabi nya saka ngumiti ng wagas hinampas ko naman sya sa braso. Kasi maman eh! Pinakaba nya ako. "Walang hiya ka! Kinabahan kaya ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Hehehe sorry na. Ligawan mo naman ako.." Pagmamakaawa nya. What the? "Ikaw dapat ang manliligaw sakin dahil babae ako, lalaki ka." Ani ko.

"New generation ngayon."

***

Wala rin naman syang nagawa dahil ako ang babae kaya sya dapat ang manliligaw. Pero alam nyo ba na sa ginagawa nya para tuloy ako na ang nanliligaw.

"Nerd, sunduin mo ako sa bahay ahh.."

"Nerd, pakidala naman ng bag ko.. Masakit kasi katawan ko"

"Nerd, gusto ko ng bulaklak."

"Nerd, inaaway ako ni edward"

At marami pang iba na dapat ay babae ang nagsasabi at gumagawa.

Ito pa matindi ahh. Sabi ba naman nya. "Oh my gosh! Nerd! Dahil sa pinakita mo sige pumapayag na akong maging tayo! Gf na kita!" Malanding sabi nya. Nagmukha tuloy syang bakla

End of Flashback:

"Happy Monthsarry din sayo baby kups!" Tuwang-tuwa na bati ko rin sa kanya. Pasensya na sa tawagan namin, uso samin ang salitang 'corny' eh.

Binigay nya sa akin ang regalo nya, binuksan ko naman iyon at.... Isang malaking Slumbook ang nakita ko.  "Wow! Ikaw gumawa nito?" Tanong ko habang tuwang-tuwa na ini-scan ang bawat pages. Tumango naman sya sa tanong ko.

Binuklat ko ang pangatlong pages at ang nakalagay doon ay yung picture ko na nasa hagdan ako at naiyak na mag-isa. Yun yung araw na nireject ako ni kupal.

Laurence's P.o.V

2 years ago. Sobrang pinagsisihan ko. Akala ko kasi magiging masaya ako sa gagawin ko. Buti na lang mabait ang kapalaran sakin at binigyan ako ng pangalawang pagkakataon.

Nakita kong tuloy-tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ngumiti ako at pinunasan iyon. "Hush..napaka-ikayin mo talaga baby nerdy." Sabi ko sa kanya at niyakap sya.

"Eh pano naman kasi, akala ko dati yung kinausap kita sabi mo pa nga nun' teka, minahal nga ba kita? Ang sakit kaya nun' sobrang sakit. Akala ko totoo yun, akala ko talagang hindi mo ako minahal pakiramdam ko ng mga oras na yun sinaksak ang dibdib ko ng isang milyong patalim. Pero nung' mabasa ko 'to... *sobs*" Hindi na nya nakayanan kaya nama'y humagulgol na sya ng iyak lalo ko tuloy hinigpitan ang yakap ko.

09/12

I really hate this day. Ang dami kong nasabi sa kanyang kasinungalingan. Sinabi ko na hindi ko sya mahal at nakita ko sa kanya na sobra syang nasaktan sa sinabi ko kaya ako tumalikod nun' upang hindi ko makita. Tripeng sakit ang narararamdaman ko nung' sinabi ko na hindi ko sya minahal at tripleng sakit din ang naramdaman ko nung nakita ko syang nasasaktan ng dahil sa akin.

"..*sob* isang milyong sakit ang naramdaman ko nun' baby kups, akala ko.. *sobs* akala ko, ako lang ang nasasaktan ng sobra nun' ayun pala.. Ikaw din. akala ko, wala kang pakilam sa akin ayun pala, alalang-alala ka na sa akin. Isang milyong sakit ang nararamdaman ko noon pero hindi ko alam na isang trilyong sakit naman pala ang nararamdaman mo huhuhu.."

Magsasalita sana ako ng may marinig akong nagsalita galing sa likod namin. "Ay tarush! Meganun?! Ang dadrama nyo mga 'te!" Entradang sabi ni aspen kaya napatingin kami sa kanya. "Bestie!" Sigaw ni baby nerdy saka tumakbo papunta kay aspen at niyakap ito.

"Ah! Bestieeee I-I can't breath. Ang higpit masyado ng yakap mo." Wika ni aspen sa girlfriend ko.

"Ooppss! Sorry bestie namiss lang talaga kita!" Nakangiting wika ni baby nerdy. "Mas namiss kita bestie, galing akong california at nung mabalitaan kong nandito ka na raw ay agad akong umuwi." Sabi naman ni aspen.

Napalingon naman kami sa taong kakapasok lang. "Oh? Bakit kayo nakatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha?" Nagtatakang tanong ni edward.

"Wala 'tol, ang pangit mo lang kasi talaga." Agad naman akong tiningnan ng masama ni Edward. "Ulol. Nasan na ba ang girlfriend ko?" Ani nya.

"Girlfriend?" Agad na maang namin.

"Si shaine." Maikling sagot ni edward saka tiningnan ng mataman si aspen at amputs! Nagpacute pa. Girlfriend na nya pala si Aspen ba't wala syang nababanggit sa akin?

"Girlfriend mo mukha mo!" Sigaw ni aspen kay edward kaya natawa kami ni baby nerdy.

"Ayyyiiee Lover's Quarrel sila." Pang-aasar ng girlfriend ko. Lumapit ako kay baby nerdy saka sya hinila at niyakap. "Tara, painggitin natin sila." Bulong ko sa mahal ko. Tumawa naman sya at tumango saka kami umupo.

"Bestie pa'no ako?" Tanong ni aspen kay baby nerd, hindi namin siya pinansin at nagsubuan lang ng cake.

"Arrgg! Wag kayong  ganyan! 'Tol naman!" Narinig ko namang sabi ni edward pero tuloy pa rin kami sa pagiging sweet ng baby ko. "En sherep nemen neng pegkebake me baby kups"

"Syempre mahal ko yung pagbibigyan ko nyan eh." Ani ko naman.

"Naiinggit ako sa kanila." Narinig kong bulong ni Shaine.

"Edi gawin natin." -edward

"Hmp!" - aspen

"Tara naaa" Nakita na naming umupo sila dito sa inuupuan din namin at kumuha ng cake. "Say aaaa" sabi ni edward at itinapat ang tinidor sa bibig ni aspen. Akala namin ni baby nerdy ay hindi isusubo ni aspen iyon dahil nakasimangot ito at nakacross arms lang ayun pala ay sinubo at pilit pang itinatago ang ngiti. "Ayiiiee~'' Pang aasar ng girlfriend ko sa kaibigan nya.

"Enebe" ani naman ni aspen kaya natawa kami.

As from now, ito na muna ang The end ng love story namin.

-- FIN --

Ang girlfriend kong NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon