Chapter 26:
xx-x-xx
Ito na po yung karugtong ng Chapter 25, yung inatake si Nicole ng sakit nya.
Enjoy Reading guys!
-Fuji <3
x-xx-x
"Ma, okay nga lang po ako" Sabi ko.. Nakahiga ako sa Hospital Bed
Alam nyo na naman siguro kung bakit ako nandito at alam nyo rin siguro kung sino ang nagdala sakin dito noh?
Pero, di porket nadala nya ako dito sa hospital eh, okay na sakin yung mga pinagsasasabi nya..
Ewan ko talaga kay shaine ann kung bakit sya naggagawa ng mga ganung kwento-kwento. Sinisira lang nya ang pagkakaibigan namin.
"Anak, gusto mo bang kumain?" tanong ni papa sakin
"Wag mo na yang tanungin pa,, pakainin mo na lang" sabi ni kuya
Aba, angas ahh.. makautos si kuya kay papa parang tropa-tropa lang ahh..
"Nicole, hindi ka muna papasok ng 1 linggo okay?"-mama
"Ha?? Ehh.."
Ayoko..
"May..may gagawin kaming importante ma ehh"
"Hinde."
"Ma.."
"di pwede.."
"Ma naman ehhh"
"Sinabi ng---"
"ahh.. oo nga po!"
Syempre kailangan ganun, sisigaw na yan si mama magagalit na -..-
Tsk. Kakainis naman.
SA BAHAY:
"NICOLE!! NANDITO SI SHAINE!!" Sigaw ni kuya galing sa baba
Andaww?? Nasa baba si shaine ann?
Tay tayu dyan..
Ahh.. kunyari tulog akooo
~_~ Pikit mata
Narinig kong bumukas yung pinto..
Magpanggap ka lang nicole..
"*Hingang-malalim* uhh..B-bhestie??"
ZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzz... ~___~
"Hmm..Bestie, alam kong gising ka, Bestie ha--"
"Umalis ka na." Sabi ko.
"Bestie,, okay lang kung ayaw mong maniwala sakin basta nagsasabi ako ng totoo" -shaine
Napabangon na ako
"Anong gusto mong sabihin ko shaine, anong gusto mong maramdaman ko?! Na niloko nya ako?!!"
"....."
"Shaine, masakit.. sobrang sakit.. umasa ako.. " I said between my sobs
"N-naniniwala ka na sakin---"
"HINDI!! HINDI AKO NANINIWALA HANGGAT HINDI AKO ANG NAKAKASAKSI!! SINUNGALING KA! BAKIT BA KAILANGAN MO PA SYANG SIRAAN SAKIN?!---- D-I KAYA? M-MAY GUSTO KA SA KANYA?"
"Nicole, wala.. sinasabi ko lang yung nakita ko.. syaka bestfriend kita bakit ako magsisinungaling sayo?"
"Dahil may gusto ka sa kanya!!"
"Ano ba nicole.. WALA! Boto nga ako sa inyo kaso--"
"Gumagawa ka pa ng kwento kunyari boto ka samin ganyan tapos pero inaahas mo na pala si kupal behind my back!! Ang sama mo!! Lumayas ka!! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!! LAYAS!!" Sumasakit na naman dibdib ko
Tinulak tulak ko pa sya habang sinisigawan "LAYAS! Lumayas ka sabi ehh!! LAYAS!!"
"Oo nicole! Aalis rin ako. Pero, ito lang ang sasabihin ko nicole, bahala ka kung ayaw mong maniwala. malalaman mo rin kung ano ang totoo at mas masakit pa. Ano F.O ba? o L.Q lang??" Sabi nya na nakatalikod, yung tono ng boses nya COLD lang pero parang naiiyak,,
F.O - Friendship Over
L.Q - Lovers Quarrel
"F.O" Malamig na sabi ko.
"Grabe," Yun na lang yung na sabi nya sabay umalis na
Di ko na napigilan naluha na ako ayyy hindi! Napahagulgol na ako ng iyak.. Anong bang mga nasabi ko?? Ano bang ginawa ko??
BINABASA MO ANG
Ang girlfriend kong NERD (COMPLETED)
RomanceThere was a guy who despise the NERDS and there was a lady she is preety, she is smart, silent evil, and the most she is a NERD in her form, in what her way to wear a clothes it's totally nerd if you'll only look at her but when you talk to her..You...