Unang Pagkikita

12 1 0
                                    

MY KIND OF BINIBINI 

By: Binibining Juan

PANIMULA:
UNANG PAGKIKITA

"~Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa'king mundo
Sana ay pang-habang buhay na ito~"

Pag abay ko sa musikong tumutugtog ngayon sa speaker ng kaklase ko. Unang araw ng klase eh nagdala agad ang magaling kong kaibigan ng Bluetooth speaker at ngayon nga ay pinapatugtog nila ang isa sa mga nauusong kanta—Marikit. Parati ko itong naririnig at di kalaunan ay nagustahan nadin. Lalo na ang liriko na sinasabayan ko, ano kayang pakiramdam pag-nakilala mo na yung taong para sayo? Yung taong magdadagdag ng kulay sa buhay mo, mas gusto ko ang salitang mag-dadagdag kesa sa "nagbigay" kasi diba bago pa naman dumating yung "magbibigay" kulay sa mundo mo eh for sure naman madami ka ng nakilala noon. Kaya ayun mas gusto kong sabihing mag-dadagdag sana nakuha niyo pinupunto ko kasi ako din hindi. De joke lang Hahahaha. Nagisng naman ako sa aking munting pag mo-monologue ng ayain ako ng kaibigan ko.

"Boi tara canteen."

"Wala ba si Ma'am?" Tanong ko dito, pangatlong subject na kasi dapat namin pero sampong minuto na wala pa din yung teacher namin sa English ngayon.

"Hindi ko alam eh, saglit lang tayo Boi, tae gutom na ako eh, sabihin nalang natin nag cr tayo pag dumating na."

"Sige basta libre mo ko."

"Putcha apaka buraot mo talaga, sige na tara na baka dumating na teacher natin."

"Yes salamat, ang bait mo talaga kaya ka maganda eh." Pang bobola ko dito, na sinuklian niya lang ng isang matinding pag-irap na takot nga ako kala ko di na babalik yung itim ng mata niya eh. Meron naman akong pera sa totoo nga medyo malaki ang allowance ko pero wala lang ayoko lang talagang gumastos medyo kuripot kasi ako. Mabilis naman kami naka punta ng canteen kasi di naman malayo room namin doon. Kada building kasi may sari-sariling canteen para iwas siksikan. Nasa second floor kasi yung room namin tapos nasa first floor naman yung canteen, kaya madali lang kaming nakaka puslit papuntang canteen.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ni Tanaya sakin ang kaibigan ko, pagkapasok niya sa canteen.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid para sana tumingin tingin ano bang masarap kainin. Pero hindi ata pagkain ang nakita ng mata ko. Isang magandang pagkain I mean tao. Tao yung naka agaw pansin ng atensyon ko, wala naman kasing gaanong tao dahil oras pa naman ng klase. Maliban samin ni Tanaya at ang tatlong tinderang nasa cashier ay may isang student ata at isang teacher, hindi kasi ito naka yuniporme bagkos ay naka suot ng sibilyan. Naka suot siya ng simpleng itim na below the knee na skater skirt,Na tinernuhan ng low-cut white leather converse, at ang pang itaas naman nito ay isang peach off-shoulder long-sleeved. Na bumagay at mas lalong nagbigay depinisyon sa kaniyang maputing balikat. Pero kung titingnan maige ang pigura ng katawan niya ay hindi ahm hindi pang babae? Dahil siya ba ay matangkad? Pero may kilala akong matatangkad na babae pero iba kasi eh, balingkinitan ang pangangatawan niya, may kaliitan ang bewang kumpara sa mga babaeng kilala ko pero ang mga balikat niya may kalapadan kumpara sa akin. Ang tangkad niya siguro ay mga nasa 5'8? May mahaba itong buhok na itim na itim at deretsyong diretso na umabot sa bewang niya. Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ng maayos dahil natatakpan ng buhok at siya'y naka tagilid pero hula ko ay maganda siya. At hindi nga ako nagkamali, feeling ko ng paglingon niya ay narinig ko ang kantang Marikit ni Juan Caoile na kani lang ay pinatutugtog ng klase namin.

"~Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa 'king mundo

My Kind Of BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon