MY KIND OF BINIBINI
By: Binibining Juan
IKAPITONG KABANATA:
SMALL CONVERSATION & LITTLE INTERACTION
(Part 1)
Nang maka labas na kami lahat sa loob ng court ay nag tipon tipon muna kami sa gilid para hindi naman kami naka harang sa pasukan sa court asa tabi kami ng kalsada buti na lang hindi gaanong maraming sasakyan dito at usually mga tricycle lang naman. Kasama pa din namin sila kuya Noah at mga classmate nito. Naka hilira kaming nakaupo sa pedestrian lane may iba naman na nakatayo sa harap namin, ako isa ako sa mga naka upo pero yung dalawa naka tayo ayaw nila umupo dirty daw kasi.
"Hoy libri niyo naman kami since kayo naman nanalo kahit tatlong 1.5 lang na soft drinks." Sabi ni kuya Noah kila Dylan. Pumayag naman sila kasi hindi naman yan madamot ako lang ata madamot samin I mean ako lang kuripot samin.
"Sige basta kayo bumili." Pagpayag naman ni Lyam. Sabay abot ng pera dito si Lyam ang may hawak ng panalo nila eh.
"Sige hintayin niyo na kami dito." Sabi nito at umalis na kasama si Kuya Chad at Norman since hindi naman daw sila pagod dahil hindi naman daw sila nag laro sila pinalakad.
"Hoy, Coda tumayo ka nga dyan ang iksi ng short mo uupo upo ka dyan." Sita sakin ni Dylan epal talaga to kahit kailan.
"Ihhh ayoko nakakapagod tumayo no." Sabi ko dito at hindi na siya pinansin pa kahit na masama ang tingin niya.
"Isa Coda." May pagbabantang sita nito sa akin na binilatan ko lang at inirapan.
"Oh lagay mo nalang to." Napatingin naman ako sa nag salita noon at bumungad naman sakin ang kamay na may hawak na baby pink face towel. Hindi ganun kalaki hindi din ganun ka liit sakto lang para matakpan yung legs. Tumingala pa ako para makita kung sino ba nag abot at di nga ako nag kamali. Si Kelaya ang ang aabot ng towel ang tangkad niya kaya naman ng tumingala ako ay feeling ko nabulag ako dahil na din sa liwanag hindi ko man ganong aninag mukha niya pero sure ako pigura palang niya. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa bumaba siya para mag lebel kami, naka luhod ang isa niyang tuhod habang naka tiklop naman ang isa.
"Wag kang mag alala malinis yan. Lagi akong may dalang extrang towel." Paliwanag nito siya na din ang nag lagay at nag ayos nito sa legs ko para matakpan. Siguro kala niya maarte ako kasi hindi ko tinanggap kasi nagamit na pero hindi naman ako maarte. Medyo nabigla lang ako kasi wala ang bait niya pala mukha siyang maalaga.
"Hindi naman yun, bakit pink?" Wala sa sarili kong tanong. Ay sheet, hindi naman sa kino-question ko sexuality niya or what ha wala namang masama sa pink na towel hindi ko lang inexpect. Napahinto naman ito sa ginagawa niya at nag angat ng tingin sakin na may kakaibang ngiti at kislap nanaman sa mata. Papangalanan ko na yang ginagawa niyang yan ang tawag ko na dyan ay KCombo kakaibang combo dahil combo niyang ginagawa yun.
"Hmn. Masama ba kung sabihin kong favorite color ko ang pink." May kakaiba sa tono niya habang sinasabi niya yun. Napa kunot naman ang noo ko sa tanong niya kasi sabi ko nga wala namang masama. .
"Wala namang masama doon bibihira lang kasi talaga yung guy na mahilig sa pink." Sabi ko naman dito totoo naman yun diba hindi masama pero hindi rin naman common dahil ang pink ay usually associated siya sa pagiging feminine, girly ganon. Pero it's a color and colors are not supposed to be gender specific.
"Guy?"
"Yes guy, bakit hindi ka ba guy?"
"What if I'm not." May paghahamon sa tono ng boses nito pero nanatili ang kcombo sa mukha nito. Mas mukha pa nga siyang nasisiyahan.
BINABASA MO ANG
My Kind Of Binibini
Teen FictionI love how his eyes twinkle whenever he smiles, his heartfelt laugh like a lullaby. His sweet voice that calls my name dearly,and how he sings a song for me. I love how he hugs me tightly with his slender arms, how it makes me feel secured and...