MY KIND OF BINIBINI
By: Binibining Juan
IKAAPAT NA KABANATA:
INTRODUCTION, DEJAVU, CLUELESS, MU, EYES
~Every day, I think the load gets heavy
Throw it away, the world unloads hostility
Is there a way to break the curse and stop this now?
I'm going home, then I'll cry alone
Don't you worry, soon, I'll be gone, psyche~
Nagising ako ng marinig ko ang kanta ng SB19 na Bazinga nanggagaling sa cellphone ko. Kinuha ko naman yun sa side table at tiningnan kung ano na ang oras 7:00 am.
~Bazinga! Hate niyo'y gasolina, yeah, I'm fire, I linger
Dare you to turn up the heat and I'll burn y'all 'til I die, yeah
Bruce be proud, I'm water, moves, they stagger, wattah!
Buzz killer, I'm killing your buzz, so get the hell out~
Patuloy namam sa pag alarm ang cellphone kaya pinatay ko na, oo alarm ko yun mas gusto ko kasing mga songs yung pinang ri-ringtone kesa sa default ringtones na available sa cellphone. Nag muni-muni muna ako sa kama ng mga ilang minuto, lahat naman siguro tayo ginagawa yun diba muni muni hanggang sa makatulog ulit joke. Tinatamad pa akong bumangon buti nalang at sabado ngayon kaya okay lang magliwaliw pa.
*Tok *Tok *Tok
Maya maya ay nakarinig ako ng katok galing sa pinto ng kwarto ko, pero tinatamad pa talaga akong bumangon.
"Baby girl, nasa baba sila Hue at Ly." Rinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto.
"Huh? Bakit daw Ma?" Tanong ko dito at umupo na ako sa kama. Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto at pagsilip ng ulo doon ni mama.
"Good morning nak."
"Morning ma."
"Niyaya ka sama ka daw mag lalaro daw sila ng basketball kila Tristan."
"Hmn okay po, just give me a minute pasabi nalang po ma Thank you po."
"Sige maghahanda na rin ako ng breakfast, kain muna kayo bago kayo umalis."
Tumango nalang ako doon, umalis na din si mama para bumaba at maghanda ng almusal namin. Ako naman ay nag inat inat muna bago bumaba sa kama at dumiretso sa Cr at naligo nag toothbrush na din ako. Paglabas ko ng kwarto nakatapis lang ako ng tuwalya, pumunta na ako sa harap ng Cabinet ko't nagsimulang pumili ng damit. Mag ma-maong shorts nalang ako hindi naman ako makaka laro ng basketball eh sasama lang talaga ako, ganon kasi sila basta nag kayayaan mag-laro sasama nila ako kahit manonood lang ako. Gusto ko kasi talagang mag laro ng basketball kaso lang hindi pwede kaya taga nood nalang ako na e-enjoy ko pa rin naman yun. Maong na black shorts at loose t-shirt na puti ang suot ko, tinuck in ko yung harap ng t-shirt sa maong shorts, tapos pumili ako ng sapatos sa shoe racks dito sa room ko. Ang napili ko ay low cut leather white converse ang go to shoes ko favorite ko kasi yung converse lalo na yung low cut style nila. Pag katapos kong mag bihis sinuklay ko nalang yung buhok ko mamaya ko na itatali pag tuyo na, nag last look pa ako sa salamin at ng masatisfy ako ay bumaba na ako.
"Tita alam mo ba may crush na yung si Coda."
"Talaga sino naman? Classmate niyo ba?"
BINABASA MO ANG
My Kind Of Binibini
Teen FictionI love how his eyes twinkle whenever he smiles, his heartfelt laugh like a lullaby. His sweet voice that calls my name dearly,and how he sings a song for me. I love how he hugs me tightly with his slender arms, how it makes me feel secured and...