MY KIND OF BINIBINI
By: Binibining JuanIKALAWANG KABANATA:
SIMULA NG PATIMPALAK
Apat na araw na ang lumipas simula ng makita kong muli ang aking Binibini, wow lakas maka makata Hahahaha de pero seryuso apat na araw na nga lunes kasi yun at byernes na ngayon. At ngayong araw din gaganapin ang unang araw ng elimination round ng group at solo quiz bee pag katapos ng klase namin sa Esp. Ang esp kasi namin tuwing friday lang tapos 7:00–9:00 pati ang Mapeh na 9:30–12:30 ang oras. Wala kaming Mapeh ngayon dahil sa quiz bee. Sa by room lang gaganapin ang elimination. Bali mauuna ang solo pagtapos ang group na. Meron itong tig tatatlong round, easy, average at hard or medium? Ah basta diko sure di kasi ako masyadong nakinig eh. Pupunta lang yung teacher namin sa mapeh tapos siya mag bibigay ng sagutin sa kaklase kong sasali kasama na doon si Vivianna at tatang Lyam. At ngayon nga ay hinihintay nalang namin dumating ang teacher namin na mag papa quiz.
"Kinakabahan kaba Lyam at Vivianna?" pagtatanong ng isa sa kaklase kong kasali din sa solo pati sa group quiz bee. Isa siya sa member ng naunang mag submit ng pangalan para sa participant.
"Me? Duh of course yes." Mataray at confident pang sagot ni Viviko pambihira iba talaga pag mga maldita kabado na laha't lahat nakuha pang mag taray.
"Talaga? Kabado ka sa lagay na yan ha Vivi." Tama yan Lyam parehas tayo ng iniisip pero mas may isip ka nga lang.
"Yes, I'm nervous but it doesn't mean na ipapahalata ko ng kinakabahan ako at tsaka I'm confident at myself no." Sagot naman nitong may lag flip hair pa at pag ikot ng mata.
"Ikaw Lyam kinakabahan ka?" Baling ko naman kay tatang na busy mag basa. Kaya lumalabo lalo mata nito eh joke HAHAHAHAHA
"Hindi." Simpleng sagot nito. Sabagay batikan na pag dating sa mga ganyan si Lyam Taylor. Simula kasi ng elementary ay madalas siyang ipanglaban ng school namin kahit noong nag jr high ay isa pa din siya sa mga utak ng rebelyon joke. Isa talaga siya sa mga matatalinong tao dito sa school namin sa Jr department lang naman syempre malay ba namin sa sr at college.
"Good luck nalang sainyo tatang at Viviko." Sabi ko sa kanila at umalis na para puntahan ang mga nag chichismisan kong mga kaibigan. Yung mga lalake naman busy mag laro ng Cod di man lang nag aya.
"Hoy Tana balita ko may gwapo daw na bagong player ng Badminton sa sr high nakita mo naba.?" Dinig kong chismis ni Lala pag kalapit ko sa kanila.
"Tangi mali kayo ng dinig HAHAHAHA hindi gwapo kundi maganda." Natatawa namang sabi ni Tana dito. Player kasi siya ng badminton at minsan may joint practice na nagaganap between sa sr at jr.
"Ay weh? Fake news naman pala si Cherry Lala." Dismayadong sabi ni Lulu sa kambal. Si Cherry isa pang source ng balita na kaibigan din nila Lulu at Lala yung tiga section D.
"Anong meron.?" Tanong ko ng tuluyang maka lapit sakanila. Umupo naman ako sa arm chair ni Lulu at agad ding itong yumakap sa bewang ko.
"Sabi kasi ni Cherry, Luv meron daw gwapo sa Badminton club, fake news naman ata yun kasi sabi ni Tana wala daw." Pagkikwento ni Lulu saakin nito na dismayadong dismayado sa nalaman.
"At alam mo ba kung sinong maganda yun?" May ngiting nakaka lokong tanong ni Tana sakin, na nag pabilis ng tibok ng puso ko sa di malamang dahilan.
"Bakit sino ba?" Taas kilay na tanong ni Lala laitera.
"Secret. HAHAHAHA di ko sasabihin. Tsaka feel ko gets ko na kung ano yung sinasabi ni Vivi na something saucy." Sabi pa nito sabay ngiti ng makahulugan saamin.
BINABASA MO ANG
My Kind Of Binibini
Teen FictionI love how his eyes twinkle whenever he smiles, his heartfelt laugh like a lullaby. His sweet voice that calls my name dearly,and how he sings a song for me. I love how he hugs me tightly with his slender arms, how it makes me feel secured and...