Ikalawang Pagkikita

7 1 0
                                    


MY KIND OF BINIBINI
By: Binibining Juan

UNANG KABANATA:
IKALAWANG PAGKIKITA

Isang buwan na ang dumaan ngunit di ko pa din siya nakikitang muli ang aking binibini. Oo inangkin ko na siya basta akin siya, siya pa man din laman ng isip at puso ko sa loob ng isang buwan. Na tetemp na nga akong dumayo sa building ng senior high eh. Lalo na sabi nila Lala at Lulu na may nabalitaan daw silang ganon ang itsura. Pero naniniwala ako kung nakatadhana kaming magkita ay magkikita kami ng hindi ako gumagawa ng paraan para masilayan siya. Naiisip din kaya niya ako, for sure hindi kasi sino ba naman ako. Ako lang naman ang future niya de joke, baka nga limot na noon mukha ko. Kasi nga sino ba naman ako, ako lang naman yung mukhang baliw na grabe kung tumitig sa kanya. Haist nakakahiya pero sino ba namang hindi titingin sa ganda niyang yun. Mas lalo ko tuloy siyang namiss, normal ba ito. Yung isang beses pa lang naman nakita yung tao pero hindi na siya maalis sa isip mo. Hindi ko parin makalimutan ang ngiti niya at ang kislap sa mata niya noong araw na yun. Sana makita ko na siya ulit baka malimutan ko na kasi siya eh.

"Boi tara canteen na, tomguts na kami eh." Aya sakin ni Lyam sabay tayo, nagsitayuan na din ang mga kaklase ko pati mga kaibigan ko.

"Saang canteen tayo? Sa baba o sa Main canteen mismo?" Tanong ko sa kanya. Meron kasing building samin yung pinaka canteen namin. Ang itsura kasi ng school namin I mean yung parte ng Jr high at Sr High. Yung University kasi na to kumpleto. Elementary hanggang college. Bali yung itsura ng samin. Yung dalawang building magkaharap ang Rizal Junior High Building tapos yung Marcos Senior High Building. Sa kada building may 32 rooms lahat. Tapos sa baba may tig-dalawang canteen. Bali yung Jr at Sr Tig limang palapag tapos yung ibang building tig apat na. Sa right side namin ang Main Canteen or Cafeteria na may apat na palapag. Sa left side naman ang Main Library na may apat din na palapag katabi nito ang Maya Building na merong anim na palapag, meron doong department rooms, club rooms, tapos nandun din yung TLE room namin tsaka ang mga labs para sa Computer lab, kitchen lab? Science lab at kung ano ano pa at ang faculty ng sr dept. Bali sa left side ng Marcos Building din yung Maya. Sa right side naman nito yung quadrangle na nasa left side ng Cafeteria. Sana na imagine nyo ng maayos.

 Sana na imagine nyo ng maayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa main caf. nalang for sure kasi maraming tao sa baba." Sagot naman ni Vivi or Vivianna Zaragosa the rich kid maldita ng Quezon City.

Nag-sang ayon naman ang mga kasama ko. Kaya bumaba na kami, at oo nga ang daming mga batang amoy araw ang nasa baba. May aircon naman yung kada room bat ganun tong mga batang to. Sabay sabay kasi ang lunch break ng buong school. Meron kasi kaming first break pagkatapos ng second subject 30 minutes break din yun tapos lunch break na pagdating ng 12:30 hanggang alas dos nayun. Oh diba ang saya. Habang papunta kami ng Main Caf, di ko alam pero bigla nalang bumilis tibok ng puso ko. Ewan yung para kang biglang kinabahan tapos feel mo may di magandang mangyayari. Or baka guni guni ko lang yun. Anyways ang dami ng tao sa harap pa lang ng Main caf, yung iba naman kanya-kanyang naka pwesto sa ilang mga bench na nasa ilalim ng puno. Kita naman dito na may ibang nagtatakbuhan sa quadrangle. Sana all nakaka takbo, kasi kami gutom na gutom na nakaka ubos ng energy ang pag iisip ha. Pagpasok namin sa unang palapag nag ikot kami kung may pwesto pa pero dahil wala na, meron man pero watak watak ay umakyat agad kami sa pinaka taas na agad sa 4th floor, di na kami nag elevator kasi siksikan din kaya hagdan ang ginamit namin.

My Kind Of BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon