Princess's POVPanibagong school year na naman, sobrang saya lang sa pakiramdam sapagkat third year na kami, akalain ninyo yon, ang bilis lang ng panahon. Sa susunod graduation na.
Sobrang saya naman kasi sa pakiramdam dahil nasa punto na kami ng buhay na malapit na namin makamit ang aming mga pangarap, ang magkaroon ng maginhawa at sariling buhay.
First day of school ngunit nakakalungkot sapagkat ako palang ata sa section namin ang nasa school. Kahit isa ay wala pa akong nakikitang kaklase ko.
Nag bell na lahat lahat at sinarado na ang gate ngunit wala pa rin silang lahat.
Ano ito? ako lang pumasok sa section namin? Baka prank ito, tapos nag usap usap pala sila na huwag pumasok sa first day.
Bahala nga sila, congrats nalang self at napaka masunurin mong bata.
Dahil wala pa akong kasamahan ay nakipila na lama g ako sa ibang section.Nag umpisa na ang flag ceremony.
Yes, galing mo self, nangingibabaw yong boses ko, kaya't medyo hininaan ko.Nang matapos ang flag ceremony ay pumunta ako sa may gate upang tingnan kung nandoon na mga kaklase ko.
Pagbukas palang ng gate, mga pagmumukha na nga ng mga kaklase ko ang aking nasilayan.
"Ate P!" sigaw ni Ariela kunwaring lalapit sa akin ngunit hinarang ito ng guard.
"Late po kayo, punta na po kayo sa pila pakiusap," sabi ni kuyang Guard.
"Sorry po," sagot naman ni Ariela.
So ayon andito ako ngayon at pinagmamasdan ang mga kaklase kong naglilinis, first day na first day kasi ay late ang mga ito."Oh bilis bilis sayang pinapasahod ko sa inyo," natatawa kong sabi sa mga ito.
"Opo madam," sagot ni Edmond.
"Tulongan mo kaya kami rito Ate P," wika naman ni JP habanv nagpupulot ng basura."Ayaw ko nga, kawasa pa late late kayo," nagatawaagot ko naman
Nakita kong marumi ang kamay ni Lyssa at pilit na pinupunasan ang kanyang pawis kaya lumapit ako rito."Ako na," sabi ko rito at kinuha ang kaniyang inaabot na panyo at pinunasan ito ng pawis.
"Ako rin po," pakiusap naman ni Abhie at pinunasan ko rin ito ng pawis sa kaniyang mukha sapagkat marumi na ang kaniyang mga kamay.
"Ako rin!" sabay na wika ni Ariela at Karen at pinunasan ko rin ang mga ito."Ang sweet naman," sambit ni Kathrine.
"Yaya yong pawis ko rin pakipunas," biro ni JP sa akin.
"Che, bahala ka sa buhay mo," sagot ko rito.
Matapos ang paglilinis ay pumunta na rin kami sa aming silid-aralan.
"Bili na kayong mani guys, lima lang po, kapag buy one take one 10 pesos nalang oh, sige na bili na," pag a-alok ni ate Flor sa amin.
"Guys bili nang graham ball at nachos, masarap ito," alok naman ni Herlyn.
"Guys sinong gutom? Bili na kayong pizza roll!" sigaw naman ni Maeca.
Habang wala pa ang aming professor ay patuloy lamang sila na bumibili sa aminv mga kaklase at kumakain.
"Paparating na si ma'am," babala ng kaklase naming nasa pinto.
Ang kaninang magulo ay ito ay nag transform at naging maayos.
Baka may mangyari na naman kung ano, nagpapaka bait na kami lalo na sa mga professor. Mahirap na baka mangyari na naman ang nangyari noong nakaraan.
"Good morning class," bati ni Ma'am.
"Good morning po ma'am," masiglang bati naman namin dito."Pasok neng," wika ni ma'am habang nakatingin sa labas.
At may pumasok na isang dilag na napaka ganda.
Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko at maski sila ay manghang mangha sa kagandahan nito.
Para siyang nagniningning lalo't tumatama sa kanya ang sinag ng araw, tapos napaka puti pa ng kaniyang balat.
BINABASA MO ANG
Bangungot Ng Klase (Published Under Fanhwaan Publishing)
AdventureIsang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, kung malalampasan mo ito magigising ka at kung hindi mananatili ka nang nakahimlay habang buhay. You w...