Anne's POV
Ilang minuto na kaming nakikipaglaban sa mga zombie na ito ngunit lalo silang dumarami. Pagod na ako at alam ko ganuon din ang mga kaklase ko. Ngunit patuloy pa rin kaming nakikipaglaban upang makawala na sa kung anong laro man ang napasukan namin.
"Ruth!" sigaw ni Drex at tinulak si Ruth palalayo sa zombie na papalapit dito.
"Drex!"
Sabay naming sambit ni Ruth sapagkat bumagsak na si Drex at ilang segundo lamang ay nalagutan na ito ng hininga.
Nilapitan ko si Ruth na hawak hawak ang kanyang sugat sa braso na patuloy na lumalabas ang dugo.
Pumunit ako sa may laylayan ng aking damit upang itali sa sugat ni Ruth. Habang mabilis na tinatalian ang kanyang sugat narinig ko si Rizzie na sumigaw."Anne sa likod ninyo!"
Agad kaming napailag at mabilis na tumayo ni Ruth."AH!" sigaw muli ni Rizzie at napabaling ang aming atensiyon sa kanya.
Si Rizzie naman ang sumalag doon sa Zombie na papalapit sana sa amin ni Ruth at bumagsak ito sa sahig at agad na nawalan ng hininga.
Napapikit na lamang ako saglit ng kainin na siya ng mga zombie. Napa kuyom ang aking mga kamay dahil sa galit na aking nararamdaman ng mga panahon na iyon.
Binuwis nila Rizzie at Drex ang kanilang buhay para sa amin at hindi namin sasayangin 'yon.
"Ah hayah! sigaw ko sabay hampas sa mga zombie na lumalapit sa akin.
Napaluhod kaming lahat saglit dahil sa naubos na namin ang mga zombie. Dahil na rin sa sobrang pagod na aming natatawa.Habang kami ay nakaluhod at tila hinang hina ang lahat ay may narinig kaming muli na boses.
"FINAL WAVE!"
Kumunot ang mga noo namin dahil hindi namin alam ang ibig sabihin noon.
"Magsitayo kayo at maghanda, hindi pa tapos ang level 1 na ito, final wave na ng level na ito, ibig sabihin may mga zombie pang paparating at pag naubos natin sila maari na tayong pumunta sa level 2, ganyan ang mga nakikita ko, ganyan 'yong nalalaro ko, alam ninyo yung larong Plants Vs Zombies ganuon," paliwanag ni Andro at tumayo naman agad kami at naghanda. Tinipon ang mga armas na aming nakita sa paligid.
BINABASA MO ANG
Bangungot Ng Klase (Published Under Fanhwaan Publishing)
AdventureIsang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, kung malalampasan mo ito magigising ka at kung hindi mananatili ka nang nakahimlay habang buhay. You w...