Bangungot ng Klase- 18

30 11 1
                                    

Erick's POV

Bakit ba hindi matapos tapos ang bangungot ng aming klase na ito? Bakit kami? Bakit tuwing first day of school na lamang? Anong mayroon sa amin? Gusto ko pang makapag tapos kaya gagawin ko ang lahat para magising sa kung anong bangungot mang ito.

Andito kami sa kaharian ng aming bagong kaklase. Naghahanda para sa isang hamon na tanging kami lamang ang pwedeng makapaslang sa kalaban ngunit maari rin kaming mapaslang ng mga ito.

Napapanuod ko lang yon dati sa TV eh, pati rin pala samin mangyayari.
Habang nagsasanay sa pag e-espada ay napatingin ako kay Shara.

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya at alam ko at ramdam ko kung bakit, oo pinapakita niya sa lahat na malakas siya pero ramdam ko na pinanghihinaan na din siya.

"Ay si totoy umiirog," pang aasar sa akin ni Albert at tumingin ito kay Shara.

"Anog umiirog na pinagsasabi mo?" natatawang tanong ko rito.

"Ai oh, deny pa more ano? Halata namang may gusto ka kay Shara, aminin," sagot naman nito.

"Wala ah," maikli kong sagot.

"Eh halata naman sa mga tinginan mo palang sa kanya, ako pa lokohin mo, bakit hindi ka pa umamin? Third year na tayo oh," tanong muli ni Albert.

"Nahihiya ako," muli kong sagot.

"Oh huli, edi inamin mo ring may gusto ka kay Shara, pa deny deny pa sus! Pag pahiya hiya nau-unahan, tingnan mo oh may gwapong kawal na nagtuturo kay Shara, ai siya ka bahala ka," pangungulit muli ni Albert.

Pagtingin ko may kawal ngang pumuporma kay Shara kaya dali dali akong lumapit sa kanila. 

"Pag-ibig nga naman," dinig kong sabi ni Albert bago ako makalayo rito.

"Shara patulong naman sa pag e-espada," singit ko sa dalawa, sa mismong pagitan ng dalawa ako pumwesto.

"Umalis ka riyan ako ay tinuturuan niya," sagot ni Shara at lumapit sa gwapong kawal.

"Dali na paano ba?" pang aabala kong muli rito.

"Ai oh si Erick papansin, laking laki mo na kaya mo na yan mag-isa," inis na sagot ni Shara.

"Kapag tinuruan mo ako libre kita sa favorite mong fast food chain worth 1k after nito kung makaka survive man tayo," sabi kong muli rito.
"Salamat kawal, kaya ko na pala, maari mo na akong iwan, ako na tuturo sa kanya," wika ni Shara dito na ikinangiti ko naman.

"Ang bilis mo naman pumayag," natatawa kong sabi rito.

"Tara na at magsimula na, oh ganyan paghawak ng espada ha, makinig ka," paliwanag nito.

"Opo," sagot ko naman dito at hindi maalis ang aking ngiti sa labi, patuloy lamang din akong sumusulyap sa kaniyang napaka among mukha. 

Ewan ko ba, medyo nawawala yong takot ko kapag kasama siya.  In love na in love lang Erick? Wala eh, puso'y tinamaan e, sana siya rin.

Habang nagmo-moment kami ni Shara ay biglang may sumingit sa amin, sina Kathrine at Diana.

"Paturo din kami Shara," sambit ni Kathrine.

Pinandilatan ko ng mata at nginitian ang dalawa.

"Guys mamaya na kayo, nag mo-moment pa kami rito e," bulong ko rito habang si Shara at busy sa pag a-ayos ng espada.

"Ai sorry sorry, Shara mamaya na pala ako, explore ko muna ang lugar na ito," sambit ni Kathrine.

Salamat at nakaramdam si Kathrine, ngunit si Diana ay pinandilatan lang din ako ng kaniyang mata.

"Dali na, libre kita ng food trip kwan mo lang muna kami," pakiusap ko rito.

"Ayaw! sawa na ako kumain," makulit na sagot nito.

"Napaka mo talaga, hanap kitang bebe deal?" tanong kong muli.

Nag u-usap lamang kaming mahina at medyo malapit si Shara sa amin.

"Okay deal, basta basketball player ha," natatawang sambit nito.

"Napaka chossy, oo na go na," taboy ko rito.

"Shara mamaya rin ako, explore ko muna rin dito," sambit ni Diana at naglakad na palayo sa amin.

Bebe lang pala ang katapat. Kaya ayon nakapag ensayo kami ni Shara ng matiwasay.

Bangungot Ng Klase (Published Under Fanhwaan Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon