Madilim na ang paligid, ngunit ang mga Agripreneur students ay patuloy lamang sa pag e-ensayo para sa kanilang hamong haharapin.
"Yah, haya!" sambit ni Maeca habang nakatingin sa isang kawal na nagtuturo sa kanila sa pakikidigma at tila ito ay napapatulala.
"Hoy babae, mag focus ka nga para kang ewan diyan," sambit dito ni Jean.
"Ang gwapo kasi noong kawal oh," sambit naman muli ni Maeca at tumingin sa direksyon na itinuro ni Maeca.
"Shocks oo nga, pwedeng patingin din, share tayo," natatawang sambit ni Jean.
"Hoy girl ayaw ko, may isa pang gwapong kawal doon oh," sambit ni Maeca at itinuro ang isa pang kawal.
"Bakit ba kayo naghahanap ng gwapo kung saan saan eh nandito naman na ako," sambit ni Erick.
"Ha? Ano raw? May naririnig ka Maeca?" sambit ni Jean.
"Wala, parang nabibingi ako," natatawang sambit ni Maeca.
"Ganda ninyo girl, ganda!" sambit naman ni Erickson na siyang dahilan ng pagtawa nina Maeca at Jean.
"Lumalalim na rin ang gabi, hahayaan na muna namin kayong makapag pahinga, salamat sa inyo," sambit ni Phoebe sa mga kaklase.
"Woah salamat makakapag beauty rest na rin," sambit ni Karen.
"Ai mayroon ka ba noon?" pang a-asar ni JP dito."Oo matagal na, simula noong isilang ako, happy?" inis na sambit ni Karen.
"Pikon," natatawang sambit ni JP.
"Guys, sinong gutom?" tanong ni Yhen.
"Ikaw panigurado," natatawang sagot naman ng kaniyang mga kaklase.
"Bakit alam ninyo?" natatawang sambit din ni Yhen.
"Alam naman namin ang totoo na food is life ka rin," natatawang sambit ni Diana.
"Phoebe may nagugutom daw po!" sigaw ni Ariela.
"Hoy nakakahiya," natatawang sambit ni Yhen.
"Yie nahiya ka pa, gusto mo rin naman," pang a-asar ni Ace rito.
"Sus alam kong gusto mo rin," pang a-asar din ni Yhen kay Ace.
"Sinabi ko bang hindi?" natatawang sagot naman ni Ace at nagtawanan lamang ang mga ito.
"Halina po kayo, may mga ipinahanda po ang mahal na prinsesa na pagkain para po sa inyo," sambit ng isang babae na taga silbi sa palasyo.
Sumunod naman ang mga ito sa babae.
Habang naglalakad papunta sa hapag kainan nina Phoebe ay namamangha ang mga ito sa nakikita.
"Woah, ang laki naman noong istawa na 'yon," manghang sambit ni Salyn.
"Wow! Totoong gold ata ang wall nila grabe," namamanghang sambit naman ni Ate Flor.
Lalo silang namangha nang makita ang mga pagkain na nakalagay sa lamesa.
"Woah, parang fiesta," manghang sambit ni Angela.
"Oh ang mata ni Yhen at Ace nagniningning," natatawang sambit ni Ken.
"Ano ba ito at nang bu-buking parang hindi kaibigan," natatawang sambit ni Ace rito.
"Magsi-upo kayo aking mga mahal na kaklase, kain lang kayo ng kain para madagdagan din ang inyong mga lakas," sambit ni Phoebe.
"Huwag kayong mahiya, kumain at magpaka busog lamang kayo," sambit naman ng amang hari ni Phoebe.
"Opo wala po talaga kaming hiya," pagbibiro ni Liam.
"Baka ikaw lang, nandadamay ka pa bro eh," natatawang sambit naman ni Drex at muli silang nagtawanan.
Nagsi-upo na nga ang mga ito at kumain."Wow! Ang sarap nito," manghang sambit ni Shara at kumuha ng lechon.
"Hinay hinay lang at baka mahirinan," paalala ni Erick dito.
"Hoy maalala ko, yung worth one thousand na jollibee hindi ko nalilimutan 'yon ha," sambit naman ni Shara habang ngumunguya.
"Oo na, ano ka na, kumakain ka na nga't lahat panay pagkain pa rin nasa isip mo," natatawang sambit ni Erick.
"Pinapaalala ko lang," sagot naman ni Shara at inilagay ang isang hita ng manok sa pinggan ni Erick na ikinangiti naman nito.
Habang si Erick ay nakangiti at nakatingin sa ginawa ni Shara ay may kumukulbit sa balikat nito.
"Ano ba?" tanong ni Erick sa kumukulbit sa kanya, si Diana.
"Ano na naman? tuwing nagmo-moment kami ni Shara sinisira mo," bulong nito kay Diana at pinandilatan ito."Ipapaalala ko lang din ang usapan natin kanina," sambit naman nito.
"Yie ano 'yon ha? May date kayo?" pang a-asar ni Shara sa mga ito.
"Hoy hindi ah!" agad na sagot ni Erick.
"Grabe ka sa akin, maka hoy hindi ah! na hurt ako, diring diri?" sambit ni Diana.
"Sorry naman, hindi naman sa diring diri, may babae na kasi akong nagugustuhan," sagot naman ni Erick.
"Sino? Yong babaeng taga silbi kanina?" tanong ni Shara rito.
"Hindi ah," depensa naman ni Erick.
"Sus palusot mo boy, kita ko nga nakatitig ka sa kaniya eh," sambit naman ni Shara.
"Ayie, tinititigan ako," pang a-asar naman ni Erick kay Shara.
"Manahimik ka," sambit naman ni Shara at kinuha ang hita ng manok na iniligay sa plato ni Erick.
"Akala ko akin na 'yan?" takang tanong ni Erick dito.
"Ipinalagay ko lang at baka ako maubosan," natatawang sagot ni Shara.
"Asa pa more," pang a-asar naman ni Diana kay Erick at tumawa ng malakas.
"Hindi kita hahanap ng bebe akala mo," inis na sambit naman ni Erick.
"Joke lang ito naman hindi mabiro," sagot naman ni Diana.Matapos kumain ay nagpahinga na muna ang mga ito upang mapaghandaan ang kanilang laban na haharapin.
BINABASA MO ANG
Bangungot Ng Klase (Published Under Fanhwaan Publishing)
PertualanganIsang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, kung malalampasan mo ito magigising ka at kung hindi mananatili ka nang nakahimlay habang buhay. You w...