Bangungot ng Klase- 13

29 12 0
                                    


Blassi's POV

Isa na naman ang buhay ang nawala.
"Andito na ang mahal na reyna at hari," sigaw ni Ariela.

"Ang mahal na Prinsesa," sabay na sambit ng inang reyna at amang hari nang makita itong buhat buhat ni Nel na walang malay.

"Herlyn! Angela! Mitch! Erick!"
Napasigaw na lamang kami ng sabay sabay namin silang nakita na bumagsak.

Hindi ng mga ito namalayan ang bilis ng kanilang kalaban kaya't hindi nila na protektahan ang kanilang mga sarili.

"Mga best final level na ito eh, bakit ngayon pa?" humahagulhol na wika ni Jaja sa harap ng walang buhay na sina Herlyn at Angela.

"Salamat sa pag a-alaga sa akin kahit saglit Erick," umiiyak na sambit ni Shara habang nakatingin sa walang buhay na si Erick.

"Tatang gumising ka!" umiiyak na pagmamakaawa ni Yhen sa walang buhay na si Erick.

"Shara sa likod mo! Yhen sa likod mo!" sabay na sambit nina Rely. At Ruth at mabilis na pinrotektahan nina Relyn at Ruth ang kanilang mga kaibigan.

"Relyn! Ruth bakit? Hindi ninyo naman kami kailangan iligtas eh!" umiiyak na wika ng dalawa na sina Shara at Yhen habang nakatingin kina Relyn at Ruth na nawalan ng buhay upang iligtas ang kanilang mga mahal na kaibigan.

May tinuran na engkantasyon ang reyna at hari na siyang naging dahilan na tila ipo ipo at napa pikit na lamang kami.
Nang mawala na ang ipo ipo ay agad naming iminulat ang aming mga mata.

Wala na ang mga zombie, unti unti ring umaayos ang kaharian.

"Bakit ngayon lang po? Kung kailan ang dami nang nalagas sa amin?" tanong ko sa mahal na reyna.

"Sapagkat humina ang kapangyarihan namin, kinailangan pa nito ng kaunting panahon upang bumalik sa dating lakas," sagot ng Reyna.
Lahat kami ay napaupo sa pagod na nararamdaman ng mga panahon na iyon.

Nasa gitna lamang kami at sama samang umupo.

Nagtipon tipon rin ang mga kawal na natira at sabay sabay na lumuhod pati ang reyna at hari. Ang prinsesa ay nananatili pa ring walang malay.

"Maraming salamat mga sugo," sabay sabay nilang sambit at yumukod.
Matapos noon ay dinala kami sa isang silid at pinakain at binigyan rin ng maisusuot.

Sobrang laki ng palasyo kaya't patuloy kaming namamangha sa hitsura nito.
Hindi muna kami pinaalis sapagkat bibigyan daw kami ng parangal bukas at magkakaroon ng kasiyahan.

Nasa silid kami ngayong mga babae at nag u-usap usap lamang.

"Napagtagumpayan din natin, makakauwi na rin tayo kaso---," sambit ni Ate Florence at mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.

Hindi namin makuha ang mag saya kahit nagtagumpay kami sa laban, sapagkat marami rin sa amin ang nagbuwis ng buhay at hindi na muli makakabalik pa. Mas masaya sana kung lahat kami ay makakabalik ng ligtas.

Mapapansin ko ang dalamhati sa mga mukha ng mga nawalan ng kaibigan. Patuloy pa ring may lumuluha at hindi matanggap ang nangyari.
Bakit kasi nangyark pa sa amin ang isang bangungot na ito? Bakit kailangan may mawala? Bakit?

Bangungot Ng Klase (Published Under Fanhwaan Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon