Princess pov.
I heard everything, pero bakit kailangan pa nilang itago? Hindi ba nila alam na lalo lang lalala ang mga bagay na dapat nalalaman ko.
Sa totoo lang, nasasaktan ako. Kaya nga ako humiling ng buhay kung saan malaya ako para malalaman at maranasan ko ang dapat at hindi dapat.
Kahit para sa kapakanan ko! Magkaibigan naman kami ah? Diba ang magkaibigan ay hindi magtatago ng ika pahamak nang isa?
Siguro naman sasabihan nila ako sa tamang oras. Sa oras na handa pa akong makinig sa mga paliwanag nila.
Moon! Andito na tayo, ayaw mo bang maupo?" biglang tanong ni maple.
Hindi ko alam na tinitigan ko na pala sila ng seryuso na kinataka nilang dalawa.
Moon may problema ba?" tanong ni Venus sa mahinang boses.
Alam kung innocente ako! Pero mali naman sigurong pagtaguan ako ng mga secreto lalo na at sangkot ako. Kaya ko namang umintindi ehh!
Moon?" sabay nilang tanong.
May nagawa ba kami at ganyan mo kami titigan?" parang natatakot na tanong ni Venus.
May tinatago ba kayo sa akin?" hindi ko alam na natanong ko ito ng seryuso sa kanila.
Pero kitang kita ko ang pagkabigla nilang dalawa saka yumuko.
Ano bang meron at hindi nila kayang sabihin sa akin. Umiiling nalang ako sa kanila saka ngumiti ng pilit.
Kalimutan nyu na ang tanong ko! Wala naman akong makukuha. Kumain nalang tayo." sabi ko saka naupo. Hindi ko pansin na may pagkain narin pala sa lamesa namin.
Ganon na ba ako kalalim mag isip. Gusto kung maiyak sa isiping parang hindi nila ako kaibigan.
Moon! Kung may tinatago man kami! Para yun sa ika bubuti nating tatlo!" sabi ni maple na kinangiti ko ng mapait.
Paano ako makatulong kung wala kong alam. Walang ganang ngumiti ako sa kanila saka ko kinain ang pagkain ko.
Moon! Intindihin mo sana kami." saad ni Venus ng makitang parang wala akong gana sa harap nila kumain.
Hmm! Ang tanging masasabi ko lang... Sana magawa nyung sabihin rin sa akin, hindi yung magmumukha akong tanga at walang kaalam alam. Kaibigan nyu ako. Kung may mangyaring masama sa inyo ng dahil sa akin! Sarili ko ang masisisi ko. Wag nyu sanang hintayin ang araw na hindi ko na kayang makinig sa ipaliwanag nyu. Kumain na kayo! Kalimutan nyu na ang nangyari." saad ko saka nagpatuloy sa pagkain.
Moon!..." tanging sambit nila.
Iisipin kong may maganda kayung rason kaya hindi nyu magawa sa ngayun. Pero ipangako nyung sasabihin nyu sa akin lahat lahat kung hindi nyu na makaya! Handa naman akong makinig at tumulong!" ngiting sabi ko sa kanila.
Moon!" sabay na ngiti nilang sabi. Kaya namang nginitian ko na sila bilang pag aasure na okay lang ako sa ngayun.
Salamat!" sabay nilang sabi.
Kumain narin kayo ng makaalis na tayo dito dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga nanood sa likod ko." saad ko na biglang kinawala ng ngiti ni Venus.
Agad rin naman silang kumain pero parang mga militar sa bilis. Hindi ko namalayan na nakatitig nalang pala ako sa kanila.
Tapos na kami moon!" napakurap kurap nalang ako dahil sa hindi makapaniwala dahil sabay pa sila.
A-ahmm sige tara!" tanging sambit ko.
Agad naman silang kumilos at saka kami umalis na tatlo.
Andito kami sa rooftop ng building namin namahinga. Actually ngayun lang namin nalaman na may rooftop kung hindi pa namin naisip na libutin ang buong school.
YOU ARE READING
My Street Gang Boyfriend
Teen FictionMagkaiba ang kanilang buhay. Nagkakilala ang dalawa ng dahil sa contest meet up ng paaralan. Isang magandang babae na napakatalino at hindi mapili. Masasabi mong napakainosente nya dahil ito ang kauna unang pumasok sya sa paaralan bilang isang gana...