labing-lima.

6 2 1
                                    

ang iyong buhok,
koronang naglalagas;
buhol at matigas.

sa iyong mga mata,
wala na ang dating kislap;
malabong matanaw ang alapaap.

labing tuyot,
kulang sa tubig at dugo;
sakit at hinagpis ay kiming itinatago.

at ang balat,
unti-unti nang sumasablay;
wala na ang init ng buhay.

sino na ang nasa salamin?
hindi ito ang dati mong hitsura,
nung nagharap tayo ay puno ka ng pag-asa.

pighati (koleksyon ng tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon