dalawampu't siyam.

6 1 0
                                    

hanggang kailan ako magiging para sayo?

sayong mga mata'y ako ang pinakamaganda,
gasgas man at imposible,
doon sa alapaap mo ako dinadala.
paborito nating tambayan ang kantina -
uwian, sasama sa barkada.
sa maliliit na pagdikit,
mga ngiti'y 'di mapigil.
hindi ko man maamin,
ako sayo'y nahulog na rin.
ngunit doon tayo sanay at ayaw papigil -
sa paglilihim;
iyon din marahil ang dahilan
kung bakit ang tayo'y walang kasiguraduhan.
hindi pa handang tumaya,
ngunit ayaw isa't isa'y mawala.
hanggang sa isang araw, bigla
ka na lang nagtago, naglaho,
umalis na walang paalam.
iniwan mo 'kong nagtatanong kung
ang pinagsamahan ba'y tunay
o ikaw ay walang malay.
kung babalik ka, dali,
hindi ako umalis, sayo pa rin.

pighati (koleksyon ng tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon