Chapter 2

3 1 0
                                    

Laurent's POV

Matagal nang panahon simula nang ako'y makadalaw dito. Nilapag ko ang bungkos ng bulaklak sa tabi ng kanyang puntod at tinanggal ang natuyot na mga bulaklak na galing din naman saakin.

" Lolo pards, kamusta? Madami bang alak dyan? Pasensya ka na, hindi na kita masyadong nadadalaw, masyado na kasing busy sa uni eh. At as usual yung mga kapatid ko lagi nalang busy, " nilabas ko ang dalawang in-can na beer at ininom yung isa habang yung isa nilagay ko sa ibabaw ng puntod nya.

Anthony Lé Rouge
Born: August 09 Died: December 19

" Minsan nga napapaisip ako kung naaalala pa ba nila na merong silang kapatid. Kung sabagay pano maaalala eh ampon lang ako. But, I miss them so much like how I miss you." hinayaan kong dumaloy sa pisngi ko ang mga luha ko na ang tagal naipon.

Hindi ko kayang ipakita ang mahinang ako sa mga kaibigan ko, ayaw kong dagdagan pa ang mga problema nila.

Yes, I am adopted child but my brothers- I mean my step brothers did not outcast me in their family.They treat me as their own sister. Except from one person. Kragen. Laki ng galit nya saakin di ko naman inaano.

Kasalanan ko bang inampon ako ni lolo?

I heared them once talking about me, pinag uusapan nila kung paano ako paalisin. Nakipag sagutan ako noon at dun ko nakumpirma na isa akong ampon.

Nagalit ako noon sakanila pero pinatawad ko din dahil sila nalang natitira sakin kaya bakit ko pa sila ipagtutulakan?

" Alam kong ayaw mo akong umiiyak lolopards hahaha, ang daya mo kasi di ka man lang nagpaalam ng maayos."

Napapasinghot kong sabi nang maalala ang araw na iyon. Isa yung araw na yun ang ayaw kong balikan sa nakaraan. Ipinilig ko ang aking ulo at nagpunas ng luha saka tumingala sa kalangitan wala kang makikita dito kundi kadiliman at ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan.

Sa gitna ng kadiliman may iilang liwanag parin upang gabayan ka.

Nag stay pa ako ng ilang minuto doon bago nag pasyang umuwi na. Tumingin ako sa relong pang bisig ko.

" Tss, 8 na pala? Pano ba yan lolo pards, sibat na ako at baka talakan nanaman ako ni Acie alam mo naman yung babaeng yun. Una na ko lo " binigyan ko pa ng huling tingin ang puntod ni lolo bago naglakad palapit sa motor ko.

" Celestina..."

Napatigil ako sa pag lalakad nang narinig ko ang tinig na iyon. Pinakiramdaman ko ang paligid. Ihip lang ng hangin ang naririnig ko at nasisiguro kong ako lang humihinga dito.

Naglakad nalang ako ulit at ipinagsawalang bahala iyon.

" Celestina... "

Sa puntong ito lumingon na ako sa parteng maraming puno at sobrang dilim. Alam kong malapit lang dito ang gubat ng Dyosang Morrígan mga limang oras ang babaybayin mo upang marating lamang ang tanging bukana nito. Sa laki ba naman ng gubat na yon tiyak akong nasa 1/4 na nasasakupan ng kaharian ay ang gubat.

Never pa akong nakapasok sa gubat na yon. Madami ang pumapasok noon sa gubat na yon kaya madami pa din ang nawawala pero simula nung naging leader/hari ang kapatid kong si kragen, wala nang sumubok pa dahil triple ang sekyuridad na inilatag ni kragen dito at may kung anong mahika ang bumabalot sa gubat na ito.

Isinuot ko nalang ang helmet ko at pinaharurot ito. Habang nag mamaneho ako hindi parin maalis sa isip ko ang tumatawag sakin na para akong iniimbitahan.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa boses na yon. Umiling nalang ako matapos maiparada si Reeni.

" Kailangan mo nang malinisan reeni, may alikabok ka na. " Kausap ko pa sa motor ko na hindi rin naman ako sasagutin.

What Awaits UsWhere stories live. Discover now