Gnash's POV
" Ang kati naman dito. "
" Aba natural! Kita mong ang tataas ng talahib na damo nakuha mo pang mag short? Naalog ba yang utak mo Tokyo Arisce? "
" Kanina pa tayo palakad lakad wala pa ba? "
" Malapit na. "
Kanina pa yang 'malapit na' malapit na ding maubos pasensya ko.
" Gutom na akoooo. Stop by muna-"
" Kaka hinto lang natin 30 mins ago. Magtiis ka."
Katahimikan. Bigyan nyo ko ng katahimikan utang na loob.
" Gnash, okay ka lang? "
Nilingon ko si Devin na nasa harap ko. Tinanguan ko lang siya kahit alam kong hindi ako okay.
May hawak siyang malaking stick na parang tinidor. Meron kaming hawak lahat na isang malaking stick na pang guide namin dahil mala bundok pala tong gubat pero kakaiba ang hawak ni Devin. Mukha kasing trident ni Poseidon tapos kakulay pa ng tubig dagat pero may shade ng gold. Mahal siguro ang pagawa don.
Mahigit tatlong oras na din kaming palakad lakad sa loob ng gubat. Si lucian ang nasa harap dahil nasa kanya ang mapa kasunod niya naman si gellal, devin, ako, earth, acie, tokyo, kas, laurent at aros. Yan ang formation naming sampu.
" Stop muna-"
" We're here. "
" Dito tayo magcacamp? Final na yan?"
Inilibot ko ang tingin sa pupwestuhan namin. Wala naman akong nasesense na kakaiba-
" Uh guys?? Ako lang ba o lumulubog tayo? "
Sabay sabay naman kaming napalingon sa paanan namin. Tama nga si devin- lumulubog kami.
" Humanap kayo ng makakapitan! Bilis!"
Agad akong kumapit sa malapit na sanga saken ngunit bigla itong naputol kaya mas lalo akong lumubog.
" Bakit biglang nagkaron ng kumunoy dito?" Taka kong tanong sa sarili.
Sinubukan ko ulit umangat dahil malapit na sa bewang ko ang kumunoy na toh na bigla bigla nalang lumilitaw. Umanggat naman ako kaonti at bigla nalang may lumitaw na malaking tinidor sa harap ko.
" Gnash, kapit na bilis!" sigaw nitong nasa harap ko kaya kaagad akong humawak dito at buong puwersa niya akong hinatak. Padapa akong bumagsak sa lupa at nadaganan ko pa yung kalahati ng katawan ni devin. " Gnash, baka gusto mong umalis na? Ang bigat mo hoy!"
Umalis naman ako kaagad at sinamaan siya ng tingin pagkatayo ko.
" Kapal naman ng mukha mo! Hiyang hiya sayo ha."
YOU ARE READING
What Awaits Us
FantasySynopsis Mapanganib... Nakakamatay... Walang nakakalabas... Makapangyarihan... Ilan lamang yan sa mga naririnig na sabi-sabi tungkol sa isang gubat na ni isa raw ay walang nakakalabas kung ito ay papasok. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ipinagbab...