Chapter 7

15 0 0
                                    

"Hello Yiz", napatingin ako kay Ashton na ngayon ay naka upo na pala sa kung saan nakaupo kanina ang turko.

"Hey", medyo naiilang ko pang sagot as I stretch out a bit on the sofa para makita siya, while doing my best to avoid my gaze on the man between us.

"Ashley's already ordering our drinks...", sabi nito at sinuri ako ng tingin, "Aren't you gonna drink?", tanong nito sa akin ng makita na wala pa akong iniinom, umiling ako sa tanong niya, "Maybe later Ashton", sagot ko sa kaniya habang nakangiti, napatango-tango naman ito at tumingin sa lalaking nasa gitna namin, habang ako naman ay ibinalik na ulit ang pagkakasandal ng likod sa backrest ng sofa.

The two of them were having a converstion nang lumapit sa amin si Ashley, "Here's your drink, bro", sabi ni Ashley sabay abot sa isang baso ng rum sa kapatid, "Thanks", maikli nitong sagot sa kapatid as he then sips on his glass, lumapit sa akin si Ashley, I was feeling a bit relieved dahil ang akala ko ay uupo siya sa gitna namin ng lalaking katabi ko para hindi na kami maging magkatabi, but I was wrong, instead she sat on the other sofa na sa tabi lang ng kinauupuan ko.

"You can sit beside me Ashley, the sofa's big enough for us four", I said hoping na uupo na siya sa tabi ko, pero na dismaya ako ng umiling siya, "No thank you Ysrielle, I'd rather sit here instead", sabi nito sa akin as she gave me a teasing smile.

"Please?", I said once again, pero umiling siya, "Why don't you come here instead?", tanong niya naman sa akin, napa-isip naman ako.

Oo nga no? Ang boba ko naman!

Inihanda ko na ang sarili ko na tumayo pero natigilan ako ng umalis si Ruslan sa tabi ko, he then went to the counter, at naupo sa isa sa mga stools na naroroon.

Tumingin ako kay Ashton na ngayon ay nakatingin na rin sa akin, "He's gonna order another drink", sagot nito sa akin at ngumiti, but even though Ashton told me that he left because he wanted another drink, ay hindi ko parin maalis sa isipan ko na baka umalis siya dahil nahalata niya na medyo hindi ako komportable na katabi siya.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya na naroroon lang nakaupo sa stool sa counter, at hawak-hawak na nito ang baso, pero hindi parin siya bumabalik dito sa sofa, I bit my lip harder dahil alam ko na nahalata na nga nito na parang ayaw ko siyang makatabi.

Kung kanina ay kabado ako na magkatabi kami, ngayon naman ay kabado ako dahil iniisip ko na, na offend ko siya, and now he's pissed thinking that I don't want him to sit beside me.

I should talk to him.

Tinipon ko muna ang lakas ko bago tumayo upang pumunta sa counter, nakayuko siya habang nakatingin at hawak-hawak ang baso na nakalapag sa counter.

Nang nasa tabi na niya ako, I cleared my throat to get his attention, and now I was faced to face with his gaze, ang mga nakahanda kong sasabihin ay nawala bigla as I stare into his beautiful orbs, itinaas niya ang isa niyang kilay nang makita na parang natulala lang ako sa kaniya.

"I-uh, ehem.... I just wa-wanna ask why you're not r-returning to the sofa?", I cursed inside my head as I stuttered, ALOT!

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin ng ilang mga minuto, at pagkatapos ay itinanggal na niya ang kaniyang tingin at ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang baso, "It was obvious that you were very uncomfortable sitting beside me", sagot niya at itinaas ang baso sa kaniyang mga labi upang sumimsim ng alak mula rito.

"I-I'm sorry, did I offended you?", my voice getting lower as I feel so ashamed, umiling lang siya sa tanong ko at hindi na sumagot.

I bit my lip hard dahil parang nagsisinungaling siya sa akin, "Are you sure?", I ask once again, and after that his gaze was back to me, "Yes", sagot niya sa akin as he gave me a kind of stare that makes my heartbeat so wild.

The Dangerous Turkish Man (Dangerous Shadows series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon