Chapter six

58 14 0
                                    



"Anak papasok ako!"








Dinig kong sabi ni mama mula sa labas ng aking kwarto hindi ako sumagot sa kanya, nanatili lang akong na'ka higa sa aking kama, at ang mata nasa kisame pinipigilan wag umagos muli ang luha sa aking mag mata. Napa-tingin ako sa pintuan ng Unting-unti itong bumukas, ngiti ni mama agad ang bumungad sa'kin..




"May problema ka ba?"





Lumapit si mama sa'kin, Umupo s'ya sa aking kama, bumangon ako at hinarap ko s'ya ng biglang tumulo muli ang luha sa aking mata, pinunasan ko ito kaagad, "Okay lang po ako ma!" Nawala ang ngiti ni mama sa kanyang labi..






"Alam kung hindi ka okay anak!"





Niyakap ko si mama ng sobrang higpit at doon ako umiyak ng tuluyan sa kanyang balikat, hinaplos n'ya ang aking likod..




"Bakit umiiyak ang amulet ko? Hindi ka ba masaya sa buhay mo? Nagsisi ka ba sa pinili mo'ng buhay ngayon?"








Lalo akong napa-iyak sa tanong ni mama, "Masaya ako ma!! Huhuhu!! hindi po ako nagsisi sa pinili kong buhay ma!!!"









"Kung ganu'n bakit ka umiiyak?"









She asked me seriously, but I didn't speak any words  nanatili lang akong umiiyak sa kanyang balikat..










"Ssshh!!! Tahan na!!, Sabihin mo lang sa'kin ang dahilan para malaman ko at matulungan kita kung ano'ng bagay ang dinadala mo!!"








Humiwalay ako ng yakap sa kanya, pinilit ko'ng ngumiti sa harap ni mama.. "M-ma!" Pinunasan n'ya ang luha sa aking mata gamit ang kanyang kamay. Ganyan ang ginawa n'ya sa'kin tuwing umiiyak ako s'ya palagi ang tagapunas ng luha sa mata ko..









"Don't force yourself to smile even though you're not totally happy, let say you can smile, but is that really what you felt inside"









She pointed her finger right to my heart. Tumingin ako sa mata ni mama, kita ko doon ang pag-aalala niya sakin.. "Fear!!" Isang salita ang lumabas sa bibig ko.. Kumunot ang nuo ni mama..









"Bakit? Takot ka saan?"









Hinawakan n'ya ako sa kamay, yumuko ako hinawakan n'ya ako sa aking magkabilang pisngi upang iangat ito para paharapin ulit ako sa kanya..










"Wag kang matakot anak! Makikinig ako!! Sabihin mo lang kay mama!!"









Malumanay n'yang sabi sa akin, "Ma! Alam kung matatawa ka dito!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko.










"Ma!! Natural lang ba na matakot ka magkaanak?" Ngumiti ito ng bahagya bago sinagot ang tanong ko sa kanya.








"Depende sa isang tao, kung hindi pa ito handa sa ganung bagay."










"Kasi ma natatakot akong magkaroon ng anak, kahit na gustong gusto na ni acacius na magka-anak kami'ng dalawa pero hindi ko parin s'ya napag-bibigyan dahil natatakot ako na baka hindi ko ito magampanan ng tama." Huminga si mama ng malalim, then she hold my both two hads while softly squeezed it..









Don't Stop Loving Again ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon