Chapter 9

94 5 1
                                    

"Katherine"

May diin na banggit nya sa pangalan ni Katherine.

"Kamusta My Dear Caroline? Mukhang napapadalas ang pag-kikita nyo ng Lobong yun ah?"

"What do you want?"

Sa halip na sagutin nya ang tanong nito. Iniba nya ang topic

"Well... Nabalitaan ko kasi na...."

Pabitin nito.

"Na ano?"

"Na... Naka-uwi na pala ng South Korea ang makasay-sayang bata. Named Stacey Jung"

Biglang nag-tagis ang kanyang mga bagang sa narinig.

"Huwag kang magkaka-mali na kantiin ang anak ko."

"I'm scared"

Tumawa pa ito ng mala-demonyong tawa.

"Leave us alone Katherine"

"I won't! Hangga't nabubuhay pa si Amber hinding hindi ko kayo lulubayan. Pagbabayaran nyo ang pag-kamatay ni Henry! Pinatay niyo sya! Pinatay nyo!"

Hindi nya inaasahan ang biglang pag-sugod nito. Kaya naman hindi nya agad na-iwasan ang pag atake nito.

Nasugatan sya pag-atake nito. Nakatamo sya ng isang napaka-laking kalmot. Masyado malalim yun. Matagal bago mag hilom yun. Base sa kalagayan nya. Mahihirapan syang labanan to.

"Himala at hindi mo naiwasan ang atake ko. Totoo nga ang usap-usapan..."

"Anong usap-usapan?"

"Mamatay ka din Caroline. Unti unti mo'ng mararamdaman ang kamatayan mo"

Hindi nya pinansin ang sinabi nito. Mas nag-tuon pansin sya sa sinasabi nitong usap-usapan ng lahat.

"Anong usap-usapan?"

Tumawa lang ito. Bago nya pa malapitan ito ay nawala na sa paningin nya. Alam nyang hindi pa ito nakakalayo. Naririnig nya pa ng mala-demonyitang tawa nito.

Vampire and Wolf [EXO and f(x) FF]  (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon