CHAPTER 10

300 10 0
                                    

KIO'S POV

"Uy Kio? Gising na!" Boses ni Jake kaya agad kong iminulat ang mga mata ko.

"Una na ako ah, ikaw na mag linis ng kalat dito, tulog pa si Yuan eh." Si Jake.

Tumango na lang ako at umalis na sya.

Anong nangyari? Dito pala ako naka tulog sa sofa. Wala akong maalala. Wala man' lang akong kaalam alam sa nangyari.

Ano bang nangyayari nangyari kagabi, uminom lang naman kami tapos....

Dinala ako ni Yuan dito sa sofa tapos pinahiga nya ko.

Tapos...

"D-dIto... KaAaa... laAaanNgg..."

Shit! Sinabi ko ba talaga yun?!

"GuUsSto... mMoo.. bA aAko... Y-yuan?"

Napa sabunot naman ako sa buhok ko. Shit! Kung ano anong pinag sasabi ko. Ang tanga tanga mo Kio.

"AlaAm... moO paaAsa kaAaa... Ka-kaAii..biIgGan laAng paLaA tuUring mO saAkinN..."

Aaaaaaaaahhhh! Nakakahiya, uuwi na ako bahala na sya mag linis dito.

Yun lang naman siguro yung sinabi ko diba, wala na akong maalala sa nangyari.

8:30 am

Sa dorm.

Naligo ako at humiga sa higaan ko.

Gising na kaya si Yuan.

Kung ano anong pinag sasabi ko, nakakahiya sobra.

Katabi ko ba sya kagabi nung sinasabi ko yun? Basta ang alam ko nandoon sya kasi naka hawa- naka yapos ba ako?

Nakakainis.

Biglang tumunog cellphone ko.

"Nasaan ka na? Naka uwi ka na ba?" Chat ni Yumi.

"Oo, tutulog ulit ako." Ako.

"Nag inom kayo diba?" Si Yumi.

"Oo, paano mo nalaman?" Ako.

"Nakita ko sa myday ni Jake yung mga pictures nyo, meron pa ngang kayo lang ni Yuan eh." Si Yumi.

Minay day nya pala yun.

"Nasaan ka pala?" Ako.

"Nag hahanap ng part time job mo malamang." Si Yumi.

"Ah oo nga pala." Ako.

"Sige na mamaya na ulit." Si Yumi.

"Okay ingat." Ako.

Agad naman akong pumunta sa acc ni Jake at tiningnan yung my day nya.

Ang cute ni Yuan.

Biglang tumunog yung cellphone ko.

Yuan sent a voice message.

Kaya agad ko yung pinindot.

"Grabe kayo ah, iniwanan nyo lang ako dito, di nyo man' lang ako ginising." Yuan.

"Sorry, baka kasi maistorbo namin tulog mo." Ako.

"Naistorbo mo na nga ako kagabi." Reply ni Yuan.

Yun kaya yung tinutukoy nya, yung pinag sasabi ko kagabi.

"Wala ka bang na-aalala kagabi?" Si Yuan.

In Love With You (BL/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon