CHAPTER 20

191 7 0
                                    

KIO'S POV

Sa room.

Kinakabahan ako syempre, nakita ko palang si Yuan kinakabahan na agad ako.

Basta hayaan ko na lang sya, kagaya ng sinabi ni Yumi.

Klase.

Recitation.

******

Kinabahan ako kanina nung tinawag ako, buti na lang talaga nakinig ako. Pero si Yuan, hindi sya naka sagot. First time lang yun nangyari. Hindi ba sya nakinig.

Haysst ang sakit ng ulo ko, epekto parin ba to nung ininom ko.

"Hoy Kio? Sinong kasabay mo?" Si Yumi.

"Ikaw, kanina pa kita hinihintay." Ako.

"Edi, tara na, gutom na ako." Si Yumi.

"Si Mina hindi mo kasabay?" Ako.

"May ginagawa pa sila eh." Si Yumi.

"Eh si Khen, nakita mo ba?" Ako.

"Oo, nandoon sa kabilang cafeteria, kasabay yung mga kaibigan nya, tabi pala kayo natulog ah, nakita ko kayo." Si Yumi.

"May masama ba doon? Eh sa kwarto ko ikaw natulog diba." Ako.

"Shini-ship lang kita kay Khen, para sa kanya ka na mainlab, yiiiee." Si Yumi.

"Oo nga no, bakit hindi na lang si Khen, tutal bagay naman kayo." Dugtong pa ni Yumi.

"Tumigil ka nga dyan, aasa na naman ako sa wala, nakakatanga." Ako.

"Sinabi mo pa." Si Yumi.

"Oh alam mo naman pala, tapos ganyan pa ginagawa mo." Ako.

"Galit ka na agad dyan, binibiro lang kita eh." Si Yumi at natawa.

"Eh ikaw? Wala ka bang naging boyfriend?" Ako.

"Mhmm.. meron, pero iniwan ko yung huli kong naging boyfriend." Si Yumi.

"Bakit anong ginagawa?" Ako.

"Babaero eh, syempre hindi ako nag patalo, inaway ko muna sila tapos ayun, nakampante na ako nung nakaganti ako, tapos di na ako umulit, nakakabaliw kasi pag nag mamahal ka ng isang tao, kaya nga baliw na baliw ka kay Yuan eh, tapos may Khen pa, owemjiiii." Si Yumi.

-,-

"Kumain ka na nga lang." Ako, natawa naman si Yumi.

******

Pag katapos naming kumain at nag kwentuhan pumunta muna ako sa kabilang library, kasi sigurado akong nandoon sina Yuan sa library na lagi kong tinatambayan.

Hihiram lang ako ng libro tapos sa garden na lang ako mag mababasa, wala ding masyadong taong tumatambay doon eh.

Pumasok na nga ako sa library at nginitian ako nung librarian. Sinabi ko na yung hihiramin kong libro, kaya pumunta na ako kung saan yun nakalagay.

Agad ko yung nakita kaya kinuha ko na.

Nagulat naman ako nung nakita ko si Allen.

Shit!

Bakit sya nandito? Ibig sabihin nandito din si Yuan.

Dahan dahan akong umatras para hindi ako mapansin ni Allen, nasa kabila lang kasi sya.

Umatras lang ako ng umatras hanggang sa nabunggo yung likod ko. Alam kong tao yung nabunggo nung likod ko.

Agad akong humarap dito at laking gulat ko ng si Yuan yun. Bigla akong kinabahan, natataranta na naman ako. Nakatitig lang sya sakin.

In Love With You (BL/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon