CHAPTER 15

248 6 0
                                    

KIO'S POV

Nag lalakad na kami pauwi ni Khen.

"Gutom ka ba?" Si Khen.

"Hindi, ang dami kong nakain kanina eh." Ako at natawa.

"Ah, pag ka uwi pala may pupuntahan ako tas mamayang gabi na uwi ko, dideretso na din ako sa trabaho eh." Ako.

"Ah okay, saan ka pala pupunta?" Si Khen.

"Kay na Yuan, may aayusin lang kami." Ako.

"Ahh okay." Si Khen.

Pag ka dating namin sa dorm nag bihis na ako para makapunta na kay na Yuan.

"Ah, wag mo na akong hintayin mamaya ah, baka pumunta dito si Yumi, sabihin mo na lang sa kanya." Ako.

"Okay, ingat ka." Si Khen.

"Sige, salamat." Ako.

Papunta na nga ako ngayon kay na Yuan.

Hindi rin nag tagal nakadating na din ako sa dorm nya.

Agad akong kumatok.

Agad din naman yung bumukas at laking gulat ko ng makita ko si Yuan na nakahubad at naka boxer lang, kakatapos nya lang maligo.

Kitang kita rin sa mukha nya na nagulat sya nung makita ako kaya agad nyang sinarado yung pinto.

Humawak ako sa mag kabilang pisngi ko. Mamaya namumula na naman ako eh.

Maya maya pa bumukas na yung pinto. Agad akong tumingin sa baba nya, naka short na sya at naka sando.

"Anong tinitingnan mo?" Si Yuan.

"Wala, bakit?" Ako.

"Sige, pasok ka na." Si Yuan kaya pumasok na ko. "Akala ko kasi si Jake, sorry." Dugtong pa nya.

"Okay lang nakita ko na eh." Ako at pinipigilang tumawa.

"Nakita ang alin?!" Si Yuan.

"Yung banana." Ako.

"Banana?" Si Yuan.

"Yun sa lamesa oh." Ako.

"Bakit ka tumatawa?" Si Yuan.

"Nakakatawa eh." Ako.

"Bakit nga?" Si Yuan at parang naiinis na.

"Yung sando mo baliktad." Ako.

Nagulat ako bigla nya yung hinubad.

•,•

Binaliktad nya yun at sinuot ulit.

"Ehem, bakit natahimik ka?" Si Yuan.

"Huh? Hindi ah." Ako.

"Ahh oo nga pala, yung research, wait kuhanin ko lang." Si Yuan.

Tumango naman ako.

Maya maya pa nandyan na sya.

"Oh ito na." Si Yuan, kinuha ko naman yun.

"Buti pa kayo, pwedeng gumamit ng lutuan sa dorm, sa amin bawal kaya dinadalhan na lang ako ni Yumi ng pagkain." Ako.

"Ahh ganon ba, kumain ka na ba?" Si Yuan.

"Oo, busog pa ako." Ako.

"Sana ganyan lagi." Si Yuan.

"Na?" Ako.

"Na hindi ka nahihiya sakin, hindi ka nauutal, hindi ka nahihiya pag nakikita ako, hindi ka kinakabahan makipag usap sakin." Si Yuan.

"Ah yun ba, sinusubukan ko, para masanay na din, pero parang ikaw naman tong nahihiya." Ako.

In Love With You (BL/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon