CHAPTER 12

257 10 0
                                    

KIO'S POV

Sa dorm.

9:00 pm.

Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Ayos lang naman mababait sila.

May pagkain sa mini table tapos may note ding nakalagay.

"Kainin mo to, iniwan ko to kanina, hindi na ako mag cha chat, yiiiieeee si Yuan." Yan yung nakalagay, ng aasar ba sya.

Nagulat ako ng may biglang kumatok.

Sino kaya yun?

Agad ko yung binuksan at yung matandang may ari nitong buong dorm yung kumakatok may kasama din syang isang lalaki, syempre gwapo yun, may dala din syang mga gamit.

"Magandang gabi po, ah bakit po?" Ako.

"Magandang gabi, may makakasama ka na dyan, doon sya sa kabilang kwarto, pumayag na sya na may kasama, parehas naman kayong lalaki eh." Yung matanda at ngumiti.

"A-ah sige po." Ako at ngumiti din.

Binigyan nya ng susi yung lalaki, tapos umalis na yung matanda.

Pumasok na yung lalaki at isinarado na yung pinto.

Hindi ako sanay ng may kasama jusko.

"Hi." Sabi nya habang nilalagay yung mga gamit sa kwarto nya.

"A-ah hello." Ako.

"Ako pala si Khen, ikaw yung Kio diba?" Sabi nya.

"A-ah oo." Ako, bakit kilala ako nito.

"Usapan ka kasi sa facebook kayo nung Yuan, boyfriend mo ba yun?" Si Khen.

"H-ha? Hindi ah, kaibigan ko lang yung." Ako.

"Ahh ang dami kasing nag shi-ship sa inyo, hindi mo ba alam?" Si Khen.

"Ah hindi, galing kasi ako sa trabaho." Ako.

"Kaya pala ngayon ka lang kakain, basta wag kang mahihiya sakin, kung may kailangan ka, mag sabi ka lang." Si Khen.

Tumango naman ako.

"Bakit pala napa lipat ka?" Ako.

"Maingay kasi doon sa katabi ng dorm namin, kaya lumipat na ako." Si Khen.

Kay na Yumi kaya yun? Kababaeng tao ang iingay.

"Bukas sabay na tayo papuntang university, para hindi ka mahihiya sakin, dapat close agad tayo." Si Khen at nakangiti.

Tumango na lang ako at ngumiti.

Kinuha ko na yung pagkain ko, sa kwarto na lang ako kakain nakakahiya, gutom na gutom pa naman ako.

"Teka, dyan ka na kumain, okay lang, para masanay ka, sabi ko wag kang mahihiya eh." Si Khen.

"Hehe sorry." Ako.

Ang friendly naman nito.

Umupo na nga ako at kumain, nag facebook din ako at totoo nga.

"Nag kiss daw sina Yuan at Kio!" Post nung babae tapos ang daming react na haha at heart. Ang dami ding comment.

Sino naman nag sabi?

"Legit ba?"

"We? Totoo? Sana true."

"Sinong nag sabi?

Nag basa basa pa ako ng mga comment buti na lang madaming hindi naniniwala, pero yung iba panay ship pa din.

In Love With You (BL/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon