CHAPTER 5

336 15 1
                                    

KIO'S POV

Una kaming pumunta sa court kung saan nag pa practice sina Yuan, sunod sa gym, tapos sa iba pang mga library at cafeteria. May garden din.

"Ano oras tayo uuwi?" Si Yumi.

"Hihintayin ko pa si Yuan, ibibigay ko pa sa kanya tong sa math." Ako.

"Bakit uuna ka na ba? Mauna ka na kaya, mag hahanap din ako ng mapag-e-extrahan eh." Dugtong ko pa.

"Sigurado ka?" Si Yumi.

"Oo, sige ingat ka." Ako.

"Okay, chat na lang kita, dalhan ulit kita pagkain mamaya." Si Yumi.

Tumango naman ako at ngumiti, nag lakad na sya papalayo.

Pumasok ako sa court at ayun nga nag lalaro pa rin sila. Mag aalas singko na.

"Diba ikaw yung partner ni Yuan?" Pagtatanong nung babae.

"Ah oo, hinihintay ko nga sya eh, ibibigay ko kasi tong activity namin sa math." Ako.

"Ahh, mamayang 6:00 pa tapos nila." Yung babae.

"Ah ganon ba, sige, dito muna ako sa labas." Ako at lumabas.

Jusq, 6:00 pa pala tapos nila, hindi na ako makakapag extra nyan, ano ba yan.

Nagulat ako ng biglang nag ring yung cellphone ko.

"Hello?" Ako.

"HOOOYYY KIOO!!!" Nakakabingi naman tong si Jace.

"Ano? Paano mo nalaman number ko?" Ako.

"Hiningi ko number mo kay Yumi." Si Jace.

"Ah kaya pala." Ako.

"Balita ko may boyfriend ka daw dyan ah, varsity player, yiiiee sino yun?" Si Jace.

Ano daw?

"Huh? Sino naman nag sabi sayo?" Ako.

"Si Yumi, kunwari ka pa ah." Si Jace.

Biglang sumulpot si Jake. "May boyfriend ka? Varsity player? Sino?"

"Huh? Kanina ka pa ba?" Ako at pinatay yung call.

"Medyo, sinong boyfriend mo?" Si Jake.

"Wala ah, inaasar lang ako nung kaibigan ko, bago lang ako dito ah, paano ako mag kaka boyfriend?" Ako.

"Edi lalaki nga hanap mo?" Si Jake.

"Wag ka na ngang tanong nang tanong." Ako.

"Oo na." Si Jake.

"Nga pala, hinihintay mo ba si Yuan?" Ako.

"Oo sabay kami uuwi." Si Jake.

"Pwedeng ibigay mo to sa kanya? Ito yung sa math namin." Ako.

"O sige ba, walang problema." Si Jake.

"Sige uuna na ako." Ako.

"Ingat." Si Jake.

Sa dorm.

Biglang nag ring yung cellphone ko.

Si Jace na naman.

"Bakit mo pinatay?" Si Jace.

"May trabaho pa ako, nag text yung sa may milk tea, kailangan ako doon, sige na babye." Ako at pinatay yung call.

7:00 pm.

"Nasaan ka na? Nandito na ako." Si Yumi.

"Pauwi na, yung susi nandyan sa may ilalim ng basahan, pumasok ka na." Ako.

In Love With You (BL/COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon