CHAPTER 12: HI!

9 0 0
                                    

MISTER/ AGENT R POV:

"Do you know what is purpose of not telling your true name?" Panimula ni Miss M.

"It's not just hiding mga anak , it also on how you trust your groupmates despite from not knowing their true identity. The former Dean didn't meant to made this rule to prevent you from having friends, that you can't trust anyone. Just think positive and there will be a good result." Nakayuko lang sila.

"Think this dorm, as a house, your house. Think of each other as a family and not a stranger, not just someone. Think of us as your mother and father." What?!

"Kung gusto mong magkaroon ng anak, pwede naman tayong gumawa." Sabi ko kay Agent M. Tinignan niya ako ng masama.

"Hindi yun yung ibig kong sabihin!" hinampas niya ako. Inirapan niya ako. Dukutin ko yan ih!

"Think of us as your mother and father. Kung meron kayong hindi pagkakaintindihan, nandito lang kami. We were not just your professors but we can also be your parents. Hm?" Nakayuko silang lahat.

"You know what, You cant survive here if you don't trust each other." Prangkang sabi ko. Matalim na tumingin sakin si Agent M. Kaya naman dinagdaggan ko yung sinabi ko.

"If you can't trust anyone or even us, atleast trust your groupmates. Iyan na lang magagawa niyo. If you can't give love then give trust to each other until you realize that it's not only trust your giving, also the love." Dagdag ko.

"Hindi niyo man napapansin, pero kami napapansin namin. You trust each other, simula pa nung una. Itanggi niyo man yan sa salita pero sa nakikita naming gawa niyo, galaw niyo, malayong malayo sa salitang binitawan niyo." I said.

"Kahit man itanggi niyo yan sa salita pero kung salunggat naman yan sa gawa, hindi niyo yan maitatanggi kailan man. Kahit ano mang pigil niyo kung yan talaga nararamdaman niyo, hindi niyo mapipigilan." Sabi ko pa. Nagangat sila ng tingin sakin at nagtaas ng kilay.

Grabe talaga itong mga studyanteng ito, ang bilis magbago ng expression ng mga mukha nila. Mula sa malungkot naging mataray. Tumayo si Agent M. Tumayo na rin ako.

"Pagusapan niyo yan, huwag niyo nang ipaabot pa ng Christmas. Your pride will not help you to fix this kind of problem. Kung pataasan kayo ng pride dadating yung araw na makakasalubong niyo ang isat isa na parang hindi magkakilala."

"Mamayang gabi pupunta tayo sa City." Umalis si Agent M. Napailing iling na lang ako. Kahit kailan talaga di marunong magpaalam itong babaeng ito.

"Good bye Mister R." Paalam sakin ng mga Studyante ko. Tinanguan ko naman sila.

"Theres a lot of friendship that is ruined because of pride, lack of forgiveness. Sana naman di kayo dumating sa punto na yon," Sabi ko bago umalis.

Mabilis akong tumakbo para maubatan siya. Inirapan niya ako. Ano nanamang nagawa ko?

J (SNEEZY) POV:

Pagkaalis nila Miss M and Mister R walang nagsalita ni isa samin. Tinignan ako ni Cy sinasabi niya sa titig niya na 'sigena magsalita kana'.

Is it going to work? Kaya ko ba ito? I need to be brave.

Tumikhim ako ng tatlong beses para kunin ang kanilang pansin. Tinignan nila ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

Yumuko ako at sinabi ang salitang ngayon ko lang binanggit.

"Im sorry," nakayuko kong sabi.

"Im sorry too," Sabi rin ni Ren.

Mula sa pagkakayuko nakita ko silang huminto sa paglalakad. Kaya naman inaangat ko ang aking ulo. Nakatalikod sila sa amin pero kahit na ganun hindi na mababago ang desisyon ko na sabihin ang totoo.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя