CHAPTER 3: ANATA NO ONOMAE WA

16 2 0
                                    

VIN POV:

Pagdating namin ni Ayan sa lugar na sinabi sa message kani-kanina lang ay agad kong inilibot ang aking paningin. May sampu na taong naroroon ngunit animo'y parang may virus ang isat isa dahil sa agwat nila.

May kambal kaming kasama babae at lalaki ngunit kung umasta sila'y parang hindi nila kilala ang isat isa. They are just like a stranger to each other, not even amazed on the situation.

Isang lalaki na nakaheadset at isang babaeng naka earphone, pareho silang nakasuot ng eyeglass. They were concentrating on something base on their facial expression, very serious.

Isang lalaking mahaba ang buhok na halos natatabunan na yung mata, isang japanese na babae, isang babaeng nakaboycut na parang tomboy, isang Chinese na babaeng maarte, tapos isang koreanong lalaki na badboy ang datingan, because of his style and some peircing on his nose. Madami din itong earring sa tainga.

Isang lalaking nagjajapanese, nakakausap niya yung babae na japanese eh, not the right term I bet iniinis niya ito. Pang dose kami ni Ayan.

I thought were fifteen, wheres the three? the surrounding was so peaceful and then

"Heyyy yowwww wazzup!" papansin na sabi ni Ayan, kala mo naman kilala niya eh. Panandalian lang siyang tinignan ng mga ito, at ibinalik ulit ang tingin sa kanilang ginagawa na para bang walang bumati sa kanila.

"Did they just ignore me?!" hindi makapaniwalang tanong ni Ayan, he even point his self using her index finger. Binatukan ko naman siya ng matauhan sa katotohanan.

"Aray ko ah" hinimas himas niya pa ang kanyang batok. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid.

'May kanya kanya silang sasakyan.' 'mga big-time siguro ang mga ito?' 'halata eh'

All of them has a car with a price of maybe a half of million or higher than that. Kami lang ni Ayan ang nakamotor, Habang inililibot ko ang aking tingin, nakakita ako ng isang bahay sa di kalayuan. Tinignan ko si Ayan na naroon sa isang lalaking mahaba ang buhok na halos natatakpan na ang mata.

"Ayan, halik--" Hindi natapos ang pagtawag ko kay Ayan kasi may ducati na bigla na lamang dumirediretsong pumunta sa direction ko na akala mo nawalan ng preno buti na lang nakaatras ako. Tsaka lang siya nagpreno nung nakalampas siya ng ilang metro sa akin.

'sino ang nilalang na 'to?'

Lahat sila'y nagangat ng tingin dahil napukaw ang kanilang atensyon sa lakas ng tunog ng pagpreno nung driver, nakatingin sila sa dalawang taong nakasakay ngayon sa Ducati ganun din ako. Bumaba yung babae na nakaangkas tapos tinanggal niya yung helmet niya.

"Why are you here!?" Gulat na sigaw ni Ayan ng malaman kung sino ang babaeng nakaangkas sa motor.

'kung sa bagay sino ba namang hindi magugulat kung makikita mo ang girlfriend mo, ay hindi pala. Ex-girlfriend!?' pero hindi nakatuon dun ang paningin ko kundi sa babaeng driver.

'Parang familiar siya sakin i think I saw her somewhere, parang kamukha niya yu— tinanggal niya yung helmet niya at sinabit sa manibela ng kanyang motor. 'What the hell! Siya yung babaeng--'

"What?!" nakataas na kilay niyang sabi. "Kung makatingin ka parang may kasalan ako sayo ah." Sumandal siya sa motor niya at pinagmasdan na ngayon si Ayan at yung girlfriend niya na nagaaway na ngayon. So this is the girl that Ayan was talking about na blind date ko sana nung sila pa nung ex-gf niya ngayon pero hindi natuloy kasi nagbreak sila. What a small world!

Teka hindi niya ba ako naalala?

'Ano naman sanang pakialam ko.'

Pumunta ako sa motor ko at sumandal rin doon. Hindi naman ganun kalayuan ang distansiya naming dalawa. Pinanood lang namin yung dalawang taong nasa paligid na nagbabangayan ngayon samantala yung iba naman ay walang pakialam sa nangyayari sa paligid.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum