CHAPTER 14: THE SAME

8 0 0
                                    

ELLA (CHAMPAGNE) POV:

"Maggagabi na, huwag niyo nang masyadong isipin yung nangyari kanina at dun sa balita. Mga anak, you should sleep and get a rest." Miss M said.

"Yes madder," Tangging si Yate lang ang sumagot sa sinabi ni Miss M. Nagpaalam na sila.

"Kanina pa kayo tulaley mga beks. Ang lalalim ng mga iniisip niyo juskooo. Nakakalurky! Grabe! Keri natin 'to mga baklush." Sabi ni Yate. Ewan minsan straight siya magsalita tapos meron din minsan ganyan siya magsalita.

"Cheer up mga maharlika!" Nagulat kami sa pagclap ni Yate ng malakas. Nakaupo kasi kami sa sofa at nakapalibot sa lamesahan sa gitna ng mga sofa.

"Anong nakakalurky? Parang yaks ba?" Tanong ko.

"Grabe ka talaga ganda. Don't mind what I said earlier. Cheer up, malalaman din natin kung sino sila, kung anong ibig sabihin ng sinabi nila at bakit nila iyon sinabi sa inyo." Sabi ni Yate.

"Putang'ina! Mukha ba akong patay?" Tinuro pa ni J ang kanyang sarili. "Patay na patay sayo~" Dagdag niya. Alam kong dinadaan lang ni J yung mga nalalaman niya sa pamamagitan ng pagbibiro.

FLASHBACK

Magandang gabi sa ating lahat. Flash report. Mahigit isang daang studyante ang pinaghahanap ngayon sa kadahilanang mahigit isang linggo na silang nawawala.

"Ma! ito na yung sinasabi ko," Sabi ng isang babae na nasa loob ng kanilang tahanan. Napalayo kami ng wala sa oras. Hindi na namin narinig ang ibang sinabi dahil lumayo kami upang hindi kami makita, nung bumalik kami ay eto na ang aming narinig.

Ating tunghayan pa ang ibang nagbabagang balita sa pagbabalik ng.......... Ghaberymn News! we sigh.

"Thats the reason kung bakit hindi niyo pwedeng ipakita mukha niyo dahil laman kayo ng balita." We understand it. Its to protect us and specially our Academia.

Nagbaba kami ng tingin at naglakad paalis ngunit hindi pa man din kami nakakaabot sa sinabing lugar kung saan kami magkikita ay dumating na ang grupo ng mga nakasuot ng itim na maskara at itim na balabal at pinahinto kami sa paglalakad. Ang iba ay nasa lupa at ang iba naman ay nasa bubong ng bahay para silang mga ninja dahil sa kanilang posisyon.

Nagkumpulan kami sa isang pwesto at prinotektahan kami ni Miss M at Mister R ngunit agad din silang nawalay samin sapagkat may humawak sa kanilang dalawa na lalaking may malalaking pangangatawan.

'Ewan ko nga kung saan siya galing ih bigla na lang sumulpot.

"Don't move or else something will happen and you'll regret it. " Pagbabanta ng matangkad na tao. May lumapit saamin na isang babae.

"Nice meeting you again students. YE SQUAD ha?! It's nice to see you in the same group. Our little agents." Pagkasabi niya non, may lumapit sa kanya at bumulong.

"We need to get out of here now!" Humarap siya samin. "Keep it a secret, UNTIL WE MEET AGAIN!" Ani nila at umalis na parang hangin.

"Ye Squad!" Sigaw ni Head Coach napatingin naman kami sa kaniya pero agad din naming hinanap ang mga taong iyon ngunit wala na, naglaho sila na parang bula.

"Okay lang ba kayo, may nasaktan ba sa inyo?" Tanong ni Coach nang makarating siya sa amin.

"Wala naman ho, bakit Head Coach?" tanong ni Mister R.

"Mayroong sumugod samin, they are wearing an agents uniform." So magkaiba yung sumugod kila Head Coach at samin or it was their alie?

"Kailangan na natin makaalis bago pa sila sumugod ulit at baka ano nang nangyari sa Dean. Tara na!" Sabi ni Head Coach. Nagmadali kaming naglakad paalis at pumunta sa sarisariling sasakyan. Umalis kami sa Ghaberymn City nang may katanungan sa aming isipan.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now