CHAPTER 3

168 33 5
                                    

Unknown feeling|CH3

Sinag ng araw ang gumising sa akin ngayon umaga himala walang bulabog na Ychié.

"Hmm. . . Ang sarap mabuhay!" saad ko habang nag-uunat.

Nasa hospital parin pala ako pero alam ko pwede na akong lumabas anytime. Sabi sa result over fatigue lang daw nangyari sa akin.

"Oh, you're awake!"

"Oh ikaw pala doc!" minsan nakakagulat din ang isang ito hindi ko alam kung may lahing kabute ba ito?

"Kamusta pakiramdam mo?" tinatanong pa ba iyon para sa isang broken na katulad ko?

"Medyo ayos lang naman-"

"You don't have to lie, I know you're not fine, eyes don't lie," Madam Auring na rin ba ito?

Bukod sa doctor at love expert manghuhula na rin s'ya, bongga!

If I say yes, I'm just lying to myself.

"I'm still in love with him---"

"But he doesn't love you, the way you love him. Wake up, you deserve better,"

Tama. . . tama si Aarth, ako lang talaga ang nagmamahal sa relasyon namin na 'yon.

"I guess ayos lang ako, magiging ayos din ako." I bitterly said.

After our conversation lumabas na sa kwarto si Doc, so pumunta s'ya dito para hulaan ako?

Nag-aayos ako ng gamit ngayon, dahil this day ang labas ko sa hospital na ito. Ito na rin siguro ang last day na makikita ko ang doctor na ito. Habang nagliligpit ako may pumasok sa isip ko, sisilipin ko s'ya sa office n'ya before ako umalis. Kaya inayos ko ang sarili ko at nagpunta doon.

I am about to open his room door nang makarinig ako ng strum from the guitar, I let myself to heard the nois muna.

Naggigitara s'ya while nakanta.

Hinayaan ko muna ang sarili ko na pakinggan ang pagkanta n'ya bago ako pumasok sa loob.

𝘐'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘯𝘦
𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘵𝘢𝘺𝘴 '𝘵𝘪𝘭 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘯𝘥
𝘈𝘯𝘥 𝘐'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘯𝘦
𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘦𝘦𝘥𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯
𝘈𝘯𝘥 𝘐'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘰𝘴𝘦𝘴
𝘐𝘯 𝘢 𝘨𝘢𝘳𝘥𝘦𝘯 𝘰𝘧 𝘳𝘰𝘴𝘦𝘴
𝘈𝘯𝘥 𝘵𝘳𝘶𝘭𝘺 𝘭𝘰𝘷𝘦𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘶𝘳𝘵𝘢𝘪𝘯 𝘤𝘭𝘰𝘴𝘦𝘴
𝘉𝘶𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘮𝘦
𝘞𝘩𝘦𝘯 𝘯𝘰𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘸𝘢𝘯𝘵𝘴 𝘮𝘦 𝘢𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥?

He's playing the song Happiness.
Habang nakikinig ako sa pagkanta n'ya hindi ko namalayan na napapangiti ako na parang sira rito sa may pinto.

𝘞𝘩𝘦𝘯 𝘐 𝘵𝘶𝘳𝘯 81 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴
𝘞𝘪𝘭𝘭 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘱𝘳𝘰𝘶𝘥?

Ang swerte ng magiging girlfriend ni Doc, bukod sa gwapo at doctor talented pa ito.

"Ehem!"

"Ay tipaklong!" napatili ako biglang may umubo sa likod ko sino ba naman kasing nilalang ito tsk.

"Pinapanuod mo si Aarth? Bakit hindi ka na lang pumasok sa loob? Hahaha," suhestyon ng lalaki sa harap ko.

"Anong sinasabi mo? Magpapaalam kasi ako lalabas na ako mamaya---"

Chasing You [C-SERIES #1] Completed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon