CHAPTER 22

106 10 0
                                    

CH|22

Once we fall in love we need to be ready in any consequences in relationship, hindi lahat ng relationship ay puro kilig at lambingan. Darating ang oras na magkakaroon ng malaking sakuna sa relasyon na dapat nating kalabanin.

Yun yung natutunan ko habang minamahal ko si Aarth. Akala ko the end na, akala ko hanggang doon nalang kami sa dami ng obstacles sa relationship namin kahit hindi pa kami napapatanong nalang ako, para sa isa't isa ba talaga kami? O pinagtagpo lang?

Pero habang lumalala yung pagsubok sa amin mas lalong nananaig yung pagmamahal ko sa kanya.

And finally we surpassed those obstacles.

"Babe, are you ready?" Aarth grabbed my hand as he looked into my eyes.

Ngayong gabi ipapakilala niya na ako sa pamilya niya at mga kaibigan niya. Ang dating doctor na nagligtas sa akin ngayon siya na ang taong sobrang mahal ko.

"Kinakabahan ako Babe," bakit kasi may pa ganito pa itong lalaking 'to, gusto niya raw malaman na we're officially couple na kaya nagpa-party siya na mala engagement party.

Nakasuot ako ng night blue royal dress while him nakasuot siya ng night blue plain polo na nakabukas ang itaas, that made him hot kahit napakalamig sa event venue.

He looks so handsome with his outfit from madugong hospital coat to mala prinsipeng outfit isa lang masasabi ko kahit anong isuot ng boyfriend ko gwapo parin siya kahit pa damit pangkulungan.

A few minutes later nag-umpisa ang party. Our MC is Mardeliene and Kraze. Bumalik si Marde together with Kraze at this time to ask for forgiveness kaya pinatawad na namin ni Aarth si Marde, since she look's so happy with Kraze. They offered na maging MC dito sa event namin ni Aarth kaya umo-oo na kaming dalawa dito. Masaya ako dahil sa dinamirami ng unos sa buhay namin eto kami ngayon magkasama at masayang bumubuo ng panibagong kabanata ng pagmamahalan namin.

"Good Evening everyone! As you can see we gathered here for a very super important announcement!" Kraze started the event. I feel so nervous, kinakabahan ako na masaya sa araw na ito.

"Sa gabing ito dalawang taong mahalaga sa atin ang may baon ng magandang balita! Excited na ba kayo? Let's all welcome Aarth Rigil Viglianco and Amaris Kylie Miller!" pagkatawag na pagkatawag ni Mardeliene sa amin dalawa agad na kaming umakyat sa stage.

This is it! Everyone will know everything.

Amaris hindi pa engagement ito kaya chill ka lang ha.

"Good evening , I know lahat kayo alam ang nangyari sa akin na before. I suffered from so much pain and problem, I even lost my memories, I become a detainee and I walk away from the person I love the most. Narealize ko, bakit ako magtatago, bakit ako lalayo? Kung pwede ko naman harapin ang lahat ng takot ko. I left this girl beside me without saying goodbye, akala ko no'n kapag nawala na ako mababawasan ko yung pain na nadulot ko sa kanya, pero mali ako dahil hinanap parin ako ng babaeng nasa tabi ko. I never felt this love from someone— tanging siya lang ang nagparamdam sa akin ng lahat lahat. She even fight for my rights and my life. Tonight gusto kong ipakilala sa inyo ang kaisa-isang babaeng gusto kong makasama habang buhay,"

I looked at Aarth's eyes puno ito ng pagmamahal at adoration.

"Amaris and I are now officially couple! After the tragedy our love became stronger than before. Finally the girl I love, the girl that I want is finally mine."

As we announced our status and story we saw some of visitor's cried. Siguro nadala sa kwento namin. Parang isang teleserye lang, bago maging masaya ang bida kaylangan munang masaktan at mahirapan.

After our announcement nagpatuloy ang party at pumunta kami sa mga kaibigan naming dalawa.

"Congratulations newly couple, I hope next time newly wed na ito." Maxwell said.

I can't wait the time wherein they will congratulate us as a newly wed.

"Thank you, and I hope na mahanap mona si Ms. Right haha!" Biro ko. Sila kasi ni Zekiel sa mga kakilala namin ang parang walang interes sa mga babae at subsob lang sa trabaho.

Sabi nga nila love will come in the right time and place. Right place ko ang hospital doon ko natagpuan ang lalaking nagligtas sa akin at bumuo sa puso kong wasak. Eww corny kona ah!

"I love you,"

Nasa veranda ako nang biglang yumakap patalikod sa akin si Aarth at bumulong. How I wish na sana noon pa ganito na kami at sana ako nalang yung naunang minahal n'ya para wala ng trahedya. Pero sabi nga nila paano malalaman kung tunay ang love kung walang obstacles na kailangan niyong lagpasan.

"I love you too." I will always love the man who teach me how to fight and love again.

Malalaman mong tunay ang love kapag umiyak at nalugmok kana at malalaman mong tunay 'yon kapag nakalimot ang isip mo pero ang puso hindi.

The power of love can change everything na kahit gaano ka pa kasama basta natuto kang magmahal magbabago ka.

Habang pinagmamasdan ko ang buwan at mga butuin yakap-yakap ako ng taong mahal ko at mahal ako.

Akala ko malas na ako sa love, akala ko puro pain nalang pero dahil mahal ako ni Lord he gave me this man.

"I will never ever leave you Aarth, kahit ilayo ka pa nila sa akin I won't let them."

"At hindi ko rin naman hahayaan ilayo ako sa nag-iisang bituin ko. Kahit saan ako mapunta kahit ilang unos pa ang dumating sa atin, hindi kita iiwan Amaris."

Marahan niyang inabot ang pisngi ko, dama ko ang init ng paghinga niya sa bawat pagtitig niya sa mga mata ko. I slowly closed my eyes and feel his presence. Maya-maya pa dama ko ang paglapit niya sa mukha ko na halos wala ng distansya ito, kasunod no'n nadama ko ang mainit at malabot niyang labi na sumasakop sa labi ko at dahan-dahan ako nitong hinalikan. Halik na puno ng pagmamahal.

Our night ends with happiness and love. Masaya ang lahat sa balita namin at masaya din kami dahil finally malaya na kami sa lahat ng pagdurusa namin at masasabi kong nasakin na ang magandang sukli sa lahat ng paghihirap namin.

-
As the day goes by lalong lumalala ang pagmamahal ko kay Aarth, minsan lang kami magkita dahil balik trabaho na kami. Nakabalik na ako as Journalist at siya bilang isang gwapong doctor.

"How's your day?" He asked.

"Nakakapagod pero masaya ako babe kasi nandiyan ka." Sagot ko sabay abot ng coffee sa kanya.

12:00 midnight na at nasa hospital parin si Aarth kaya nag decide akong puntahan siya after my work. Siya lang ang gamot sa pagod ko sa trabaho at ganon din siya.

"Sus, masaya ka kasi nakita mo nanaman kagwapuhan ko?"

"Ikaw alam mo nahahawa kana kay Ace, mahangin kana rin!"

"Pft just kidding babe, I love you."

Ganito lang, ganito nalang sana kami palagi. Masaya na ako doon.

_______

Good evening gems! Sorry natagalan UD nagkasakit kasi ang ferson haha. So ayun malapit na tayo mag bye-bye sa kanila nakakasad. Charot haha.

Thank you for supporting C-Series and for making an effort sa pagbabasa ng series ko! I love you all💕.

Chasing You [C-SERIES #1] Completed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon